Ivana Alawi, ipinagmalaking nahalikan na si Sam Milby kahit di pa sila gaanong magkakilala

Kissing scene agad ang bumungad na eksena para sa ‘A Family Affair’ stars na sina Ivana Alawi at Sam Milby kahit hindi pa sila gaanong magkakilala.

Ito ang ibinahagi ni Ivana sa isang media conference na ginanap para sa kanilang serye kamakailan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by STAR CREATIVES TV (@starcreativestv)

Isa si Sam sa leading men ni Ivana sa nasabing primetimes series kasama sina Gerald Anderson, Jake Ejercito, at Jameson Blake.

RELATED STORIES:

Aminado si Ivana na matagal na niyang crush si Sam kaya isang dream come true ang makatrabaho ito sa teleserye.

“Alam naman niya (Sam), tsaka nasabi ko naman yun sa vlog ko na naging crush ko si Sam.

“Humahanga pa rin ako sa kanya, kasi he’s a very, very great person.”

At kissing scene nga agad-agad ang eksenang sumalubong sa kanilang dalawa kahit na hindi pa sila masyadong magkakilala.

“Wala, halikan lang yun! Walang line.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by STAR CREATIVES TV (@starcreativestv)

“Kasi yung set-up, I wasn’t there. Tapos pagdating ko, sabi sa akin, ‘Hahalikan mo si Sam.’ ‘Ha?!’

“Siyempre pagpunta ko du’n, ‘Hi,’ nag-iisang scene. Di pa kami nai-introduce, we didn’t even get to talk, kiss agad.”

Nagulat rin daw siya dahil nakailang ulit ang pagkuha ng kissing scenes.

“Tapos cut. Kiss ulit, kiss ulit. Sabi ko, ‘Huh! Ang dami naman.’ Tapos after nu’n nakapagkuwentuhan na kami.”

At dahil nga crush niya si Sam, sumingit naman sa usapan ang kanilang direktor na si Jerome Pobocan upang sabihing ‘achieved na achieved’ ni Ivana ang eksenang iyon.

“Yes! Nahalikan ko na si Sam!” Pagmamalaki naman ni Ivana.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

* * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: