Paolo Contis, ibinida ulit sa social media ang putahe ni Yen Santos

“Ang sarap ng aking baong adobo!”

Iyan ang ipinagmalaki sa social media ng aktor na si Paolo Contis.

Bagama’t hindi niya direktang sinabi kung kanino galing ang pagkain ay nagpasalamat siya sa tinawag niyang “babikwoooh.”

”Thank yoooouu babikwoooh.”

May patutsada rin siya sa kaniyang mga bashers.

”May libreng bashing pa yan mamaya!”

* * * * * * * * * *

RELATED STORIES:

* * * * * * * * * *

Matatandaang kamakailan ay nag-viral ang kaniyang post kung saan ibinida niya ang caldereta na bigay ng rumored girlfriend niyang si Yen Santos.

Sa comment section ng nasabing post ay nagpalitan pa sila ng mensahe at pabiro pang humiling ang aktor na adobo naman sa susunod.

Dahil sa nasabing lumang post ay agad na naikonek ng mga netizens na posibleng kay Yen nga rin galing ang adobo na ibinida niya sa bagong post.

Matatandaan rin na hindi ikinatuwa ni Paolo na nag-viral ang nasabing caldereta post niya noon.

Sa isang interview, sinabi ni Paolo na naka-private ang kanyang Facebook account.

Kakaunti lamang daw ang friends niya kaya sa tingin niya ay natraydor siya ng isa sa mga ito nanag lumabas sa publiko ang nasabing viral post.

Bukod pa dito, tila na-beast mode din ang aktor sa dami ng mga negatibong komento sa ginawa ni Yen.

“Masyado nang pakikialam sa buhay ng may buhay.

“Bakit hindi nila problemahin ang pagtaas ng gas at mga bilihin? Huwag kami.”

Sinabi pa ni Paolo na niya na hindi niya maintindihan ang mga bashers dahil wala naman silang ginawang masama ni Yen.

“Bash sila nang bash, busog naman ako!”

* * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

One thought on “Paolo Contis, ibinida ulit sa social media ang putahe ni Yen Santos

  1. Sumasakay lang si Lolit sa dami ng followers ni Bea kaya palaging tinotopic nya para mag viral din sya at makakuha ng maraming views .

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: