Jake Cuenca, hindi na kakasuhan ng mga pulis?

Ayon sa report ng ‘Frontline sa Umaga’ sa TV5, hindi na umano kakasuhan ng Philippine National Police ang aktor na Jake Cuenca matapos nitong mabangga ang sasakyan ng mga pulis.

Minor lamang daw ang insidente kung kaya’t hindi na ito prayoridad ng mga pulis.

Sa report ni Gary De Leon, idinetalye nito ang mga pangyayari noong gabi ng Sabado, October 9.

Nabangga umano ng sasakyan ng aktor ang isang nakaparadang police mobile.

Pinara umano ng mga pulis ang aktor ngunit hindi ito tumigil kung kaya’t hinabol na nila ito.

Wala na raw silang nagawa kundi ang paputukan ang tatlong gulong ng sasakyan ng aktor.

Sa kasamaang palad, isang food delivery driver ang tinamaan ng ligaw na bala.

Panoorin ang buong ulat dito.

Umani naman ito ng reaksiyon ng mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Ang BATAS nga naman natin dito sa pilipinas may kinikilingan dahil ba sa artista sya? pinawalang sala na ninyo, hindi katwiran yang sinasabi ninyo, dahil sa madaming kaso na ina asikaso ninyo kaya pinalaya na ninyo siya,e kaso din yan dahil may nainvole.”

“ayan eh di kitam, pero pag mga mahihirap hindi sikat sumagotsagot ka lng sa pulis makipaghabulan ka pa, disrespect na kaso mo direct assault o kaya obstraction of justice,, so minor lng pala di niyo na prayoridad, bakit niyo pa hinabol?”

“Sana all artista lahat ng nahuhuli nyo para abswelto kaagad. I love Philippines !!!”

“Tang inng Batas Yan! Kung Ordinaryong tao yan tuloy ang kaso! Nakakaruming Batas!”

“Bulok na sistema, ordinaryong tao, kulong, pag artista laya. Katarantduhan yan minor offense”

“Pag ordinaryong tao. Kulong agad.minsan ptay pa. Pag artista dina kakasuhan.”

“Anong minor offence,nakipag habulan sya.tapos may nadamay pang sibilyan.anong klaseng pulis kyo.iba tlaga ang istado ng mayaman s mahirap un ang katutuhanan.pag mahirap.shot agad s silda.pag mayaman.laya agad.”

“P4tang inang police procedure nayan walang kaso kung mga ordinaryong tao yan sangkatutak na kaso na Sh1t8..”

“Minor offense lang pag mayaman o sikat na artista. Pero if ordinaryong pilipino yun ay kulong agad at bayian pa ng license. Wow galing talaga ng batas ng pinas at pulis natin.”

“Pera pera lang.. Minr offense lang pala bakit nyo pa hinabol. Mga bugk. Hindi tlg patas ang batas..”

“Malaki cguro bayad kaya walang kaso..pag odernaryo k lng na mamamayan..kulong ka agad. Dyan mo makita ganu ka bias ang batas.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: