Lolit Solis, sinupalpal ng asawa ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada?

Umalma si Mikee Morada sa paratang ng sikat na talent manager at showbiz writer na si Lolit Solis tungkol sa asawa nito na si Alex Gonzaga.

Nagkomento si Mikee sa Instagram post ni Lolit para ipagtanggol ang asawa.

“Mam masakit at nakakadismaya naman.

“Hindi lang patungkol kay Alex ang inyong sinulat, tungkol ito sa amin mag-asawa.

“Kaya hinihingi ko ang inyong pag-respeto.

“Huwag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo’t hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari. Salamat.”

Sa nasabing Instagram post kasi ni Lolit ay ibinahagi nito ang balita na nakunan umano si Alex.

“Naawa naman ako sa balita na nakunan daw si Alex Gonzaga.

“Kasi nga worried na worried ang mga followers niya at gusto malaman ang tutoong nangyari pero may nagsabi na sa vlog na lang daw ni Alex o Toni Gonzaga hintayin.

“Para bang ginawa ng business pati malungkot na balita.

“Siyempre para sa sinuman babae very sad na mawala ang baby mo, lalo at first baby nilang mag-asawa.

“Hindi naman siguro tutoo na nagagalit ang mother Pinty nila Alex st Toni na lumabas ang balita dahil gusto nga daw nila na maging exclusive sa vlog nila.

“Very petty ‘di ba? Dahil lang sa vlog pati ganitong balita itatago?

“Eh married naman si Alex, at paano itatago iyon medical record?

“Basta for us, get well soon Alex, at be strong. Magkakaruon ka pa uli ng baby, we pray for that. Amen.”

Hindi rin ikinatuwa ng mga tagahanga ni Alex ang nasabing post ni Lolit.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Pakialamera talaga yang Lolit na yan. Sa lahat na lang ng bagay, may comment sya.”

“Ano bang paki mo sa kung anong gustong gawin ng mag-asawa? Private matter yan.”

“Inunahan pa talagang magbalita ang mag-asawa tungkol sa ganyang sensitive issue?”

“Lahat na lang pinakialaman nito. Hayaan mo ang mag-asawa. Private matter yan.”

“Concern pa kunwari, gusto lang naman magchismis.”

“Tanda, sensitive na issue yan. Kung gusto nilang itago at manahimik na lang muna, irespeto mo naman.”

“Hayaan mo ang mag-asawa. Pati ba naman yan, pakikialaman mo pa?”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: