Paulo Avelino, ipinagtanggol si Jake Cuenca sa kontrobersiyang kinasangkutan nito

Ipinagtanggol ni Paulo Avelino ang kaibigang si Jake Cuenca sa kontrobersiyang kinasasangkutannito ngayon.

Matatandaang lumabas ang balitang hinabol at inaresto ng mga pulis si Jake noong Sabado ng gabi matapos umano nitong takasan ang nabanggang sasakyan ng mga pulis.

Sa isang tweet, kinampihan ni Paulo si Jake at sinabing kahit na sa kanya mangyari iyon ay ganoon din ang gagawin niya.

Hindi rin umano niya hihintuan ang mga taong naka-civilian clothes na bumabaril sa kanyang sasakyan.

“I wouldn’t stop for anyone shooting my vehicle wearing civilian clothes.

“Pass through a checkpoint? Hinarang ba?

“If someone was shooting me it’s either I shoot back or run for my life. Wrong place wrong time.”

Nagpaalala rin siya sa lahat na siguraduhing tama ang mga nakuhang impormasyon bago makipag-unahan sa pagpo-post sa social media.

“Mauna sa balita bida ngayon.

“GET YOUR FACTS STRAIGHT AND KNOW THE TRUTH BEFORE YOU POST.”

Isang netizen din ang nagtanong kung totoo ang bali-balitang lasing si Jake nang mangyari ang insidente.

“Is it true that Jake was drunk?”

Sinagot din ito ni Paulo at itinangging lasing si Jake.

Papunta raw sa bahay niya si Jake nang mangyari ang insidente.

“Drunk? No. Nakainom? Maybe. Nakasagasa ba? Nakasakit ng tao? Hindi.

“Walang malay na nagmamaneho papunta dito sa punyeta kong bahay dahil kaka-recover ko lang sa covid.”

Isang netizen din ang nagkomento at nagsabing dapat na huminto si Jake nang mangyari ang sinasabing pagkakabangga nito ng sasakyan.

“Nakabangga sya so dapat talaga huminto sya. And nasa buy bust operation yung pnp malay ba nila kung yung sakay ng suv eh related dun sa operation nila, maybe kaya hinabol nila nung sasakyan and para huminto eh binario yung gulong. Anyways, sana ok na yung rider na nadamay.”

Muli naman itong sinagot ni Paulo.

“Ma’am wag po tayo mag marunong. Wala pong tama sasakyan niya.

“Kung may nasagi man gulong niya malang dahil kita naman po sa mga picture lampas ng sasakyan.

“Yung complainant po private vehicle ng pulis na ginamit sa operation.

“Uulitin ko po, GET YOUR FACTS STRAIGHT.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!