‘Hipon Girl’, may inilabas na ebidensiya tungkol sa sinasabing ‘pagbubuntis’ niya?

Idinaan ni Herlene Budol o mas kilala bilang ‘Hipon Girl’ sa Instagram ang tila sagot sa isyu ng umano’y pagbubuntis niya.

Matatandaang kamakailan ay lumutang ang bulung-bulungan ng pagkakabuntis umano sa kanya ng Wowowin host na si Willie Revillame.

Ang pagbubuntis daw niya ang itinuturong dahilan kung bakit hindi na siya napapanood sa GMA-7 show.

Una na itong itinanggi ni Willie at tinawag na fake news ang pagkalat ng nasabing balita.

“Kaya daw nawala si Hipon nabuntis ko. Ano magiging anak namin…hipon?.”

“Natsitsismis ho nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw. Hindi totoo ‘yan. Puro fake news ang ginagawa niyo.”

Sa latest Instagram post naman ni Hipon Girl ay may pahaging siya sa nasabing fake news.

Nag-post siya ng larawan kung saan nakasuot siya ng swimsuit sa isang swimming pool at kitang-kita ang flat na tiyan.

Ito ang tila sagot niya sa nasabing tsismis.

Nilagyan pa niya ito ng caption na:

“BUNTIS daw ako haha 😂”

Agad namang dinagsa ng komento mula sa netizens ang nasabing post.

NAirot ang ilang sa kanilang mga reaksiyon (published as is).

“Ayan, naglabas na ng ebidensiya!”

“Di nila alam budol ka.hahaha fake news is real”

“Ninang ako!!!! Charot!!!! HAHAHAHAHAHAHAH”

“Sexy naman ng buntis na to! 😂😂😂

“Sana all sexy magbuntis😂

🔥🔥🔥 sana all ganyan ka sexy pag jontis 😂😍

“Sexy nman ng buntis na yn”

“Wag maniniwala sa Fake News Budol is damn hot 🔥🔥

“Nakaka inggit yung flat stomach 😢🔥

“Girl, awat naaaaa… naniniwala na kamiii hahahahaha 😂

“Sana all ganyan pa rin ang katawan pag buntis. HAHAHA”

“Baby bump reveal naman next. Charot lang.”

Sa kanyang TikTok account naman, nag-upload din si Hipon Girl ng ilang videos na makikitang naka-swimsuit siya at tila buong-pagmamalaking ipinakikita ang flat na tiyan para pabulaanan ang tsismis ng pagbubuntis niya.

Panoorin ang nasabing TikTok videos dito.

 

@herlene_budolBUNTIS PA MORE ##fypシ ##fyp ##foryourpage♬ Baby Ko Si Pash Pash – guthrie

@herlene_budolGTA NYO BUNTIS ##fypシ ##fyp ##foryourpage

♬ San Andreas Theme Song – Young Maylay

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: