JM De Guzman, itinuturong third party sa hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica?

Sinagot ni Kylie Padilla ang komento ng isang netizen tungkol sa hiwalayan nila ng asawang si Aljur Abrenica.

Matatandaang sa isang interview ni Ogie Diaz kay Robin Padilla, kinumpirma nito na hiwalay na ang anak nito sa asawa.

Lumutang din ang usapin na third party ang dahilan ng nasabing hiwalayan.

Sa isang Instagram post ng aktres, isang netizen ang naglakas-loob na magtanong kung may katotohanan ang usap-usapan na ang pagiging maluho raw niya ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ng asawa.

Tanong ng netizen (published as is):

“Totoo po ba na kaya mo iniwan si aljur dahil high maintenance ka po at di afford ni aljur luho mo?

“Tapos poo maraming mayayaman ang nanliligaw sa you pati mga artista at isa dun si @1migueldeguzman yun po kasi ang Sabi ni Xian Gaza eh salamat po.”

Agad naman sinagot ito ni Kylie at pinabulaanan ang pag-uugnay na ito kay JM De Guzman.

“magkaibigan lng kami ni JM. This is not true.”

Ang pagkakadawit ni JM sa hiwalayang Kylie at Aljur ay taliwas sa sinabi ni Robin sa interview na si Aljur ang mayroong third party na naging dahilan nga ng hiwalayan ng dalawa.

Dahil walang binaggit na pangalan, patuloy sa panghuhula ang netizens kung sino ang nasabing third party.

Una nang nadawit ang pangalan ng leading lady ni Aljur sa pelikulang “Nerisa” na si Cindy Miranda.

Itinanggi na ni Cindy ang paratang at pinanindigang propesyonal lamang ang naging relasyon nila sa paggawa ng nasabing pelikula.

Nadawit na rin ang pangalan nina Maika Rivera at Erin Ocampo sa hiwalayan.

Itinanggi na rin nila pareho na may kinalaman sila dito.

Samantala, sa isa pang Instagram post ay tila mas pinili ni Kylie na manatiling positibo na lamang sa kabila ng mga nangyayari.

“In the end the best thing to do is not to blame anyone for the things that happened BUT to observe where you could have done better.

“Life is about growth. Silence the noise and make the best out of your life.

“Claim it, I’m happy, I’m healthy, I’m alive. I’m hoping the same for you ✨”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: