Former GirlTrends member Maika Rivera, nadadawit sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla?

Itinanggi ng dating miyembro ng GirlTrends na si Maika Rivera na may kinalaman siya sa hiwalayan ng mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Matatandaang kamakailan ay kinumpirma ng ama mismo ni Kylie na si Robin Padilla ang hiwalayan ng dalawa.

Sinabi rin nito na third party ang dahilan ng nasabing hiwalayan.

Una nang itinuro ng mga netizen ang posibilidad na ang leading lady ni Aljur sa pelikulang “Nerisa” na si Cindy Miranda ang nabanggit na third party.

Agad naman itong itinaggi ng baguhang sexy star at pinanindigang hanggang sa pelikula lamang ang naging ugnayan nilang dalawa ni Aljur.

Kamakailan naman ay lumutang na rin ang usaping may kinalaman sa hiwalayan si Maika.

Nagkasama sina Maika at Aljur sa ABS-CBN afternoon series na “Sandugo” na umere noong September 2019 hanggang March 2020.

Sa isang interview sa YouTube channel ni Ogie Diaz, pinabulaanan niya ang isyu.

“Never. Hindi ko po gagawin yun.”

Ito ang naging pahayag ni Maika hinggil sa nasabing tsismis.

Ipinaliwanag ni Maika na posibleng nadawit siya sa hiwalayan nina Aljur at Kylie dahil sa isang beses na nag-comment siya sa isang Instagram post ni Aljur.

“To be honest, kung bakit ako yung natuturong third party, hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling yun.

“From there, nag-comment na at nag-speculate, and then pumutok yung issue.

“But I can honestly say with my whole heart na hindi po ako yung third party.”

“Nangyari na po sa akin ‘yan, at nangyari po sa malapit sa akin, at ayoko pong maging ganun.

“Mataas po ang respeto ko kay Ate Kylie. Napakaganda po niyang babae, napaka-strong niyang babae.”

Umani naman agad ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens ang nasabing usapin.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“I feel sorry for those innocent girls who are dragged on this issue. They don’t deserve the humiliation.”

“Dami namang third party kawawa naman mga nadadawit.”

“Itanong nlng din kay robin padilla, bka kilala niya din😂

“Kung sino ka mang babaeng nakasira sa kanilang relasyon. Isa kang Pashneya. Nararapat lang na turuan ka ng leksyon at itapon sa hathoria. Isa ka traydor”

“Parang Julia at Jerald lang todo deny after many months unti unting naglabasan ang sweet moments nila sa vacation lol”

“kung sino sino nalang babae sinisisi 😆 kase tong aljur na to ayaw pang umamin”

“Dami naman tinuturo jsko. Sige ako na lang. Ako na lang aamin nako. 🤣

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: