Online registration para sa National ID, magsisimula na

Magsisimula na bukas, April 30, ang online registration para sa national ID System.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Chua, ilulunsad ang online portal para sa registartion sa national ID upang makalap ang demographic data ng mga gustong mag-apply ng nasabing ID.

Ngunit nilinaw rin niya na kailangan pa ring magpunta nang personal ang aplikante sa registration centers para makuha ang biometrics at magbukas na rin ng bank account kung wala pa.

PHOTO: Facebook | Philippine Statistics Authority

Ang national ID system ay makakatulong din umano sa gobyerno upang mapabilis ang vaccination program, pati na rin ang pamamahagi ng ayuda.

Magiging daan din umano ito upang magkaroon ng sariling bank account ang mga itinuturing na low-income families.

Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), may 17 milyong Pilipino na ang nakatapos sa unang hakbang ng resistration ngayong first quarter ng 2021.

Ang unang hakbang na ito ay ang pangangalap ng data mula sa mga low-income family households na ginawa sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay ng mga tauhan ng PSA.

Umabot na rin sa 10.6 milyong Pilipino ang nakapagparehistro na rin simula noong October 2020 kung kaya mayroon nang 28 milyong registration ang nakokolekta ng PSA.

At hanggang ngayong April 20 naman, umabot na rin sa 4.6 milyong Pilipino ang nakatapos na sa pangalawang hakbang kung saan kailangan nilang pumunta sa registration centers para makuhanan ng biometrics.

Pagkatapos ng pangalawang hakbang, maghihintay na lamang ang aplikante na dumating ang kanilang national ID.

Sa Facebook page ng PSA, nakadetalye rin ang mga hakbang para sa online registration para sa national ID.

PHOTO: Facebook | Philippine Statistics Authority

ALAMIN kung paano makapagrehistro sa Philippine Identification System (PhilSys)

Step 1: Pagkolekta ng demographic information at appointment-setting for Step 2 gamit ang online registration portal na magbubukas ngayong April 2021

Dito kukunin ang sumusunod na impormasyon:

– Name

– Sex

– Date of birth

– Place of birth

– Blood type

– Address

At iba pang optional information tulad ng marital status, cell phone number, at email address.

Pagkatapos mag-input ng kailangang impormasyon, maaari na rin kayong mag-set ng appointment para sa Step 2 sa registration center na malapit sa inyong lugar!

Step 2: Pagkuha ng biometric information, tulad ng fingerprint, iris scan, at front-facing photograph at validation ng supporting documents

Ang hakbang na ito ay gaganapin sa registration center na inyong pinili mula sa Step 1 registration. Huwag kalimutang dalhin ang inyong transaction number para sa hakbang na ito!

Para sa listahan ng supporting documents na maaaring dalhin [no. 7]: https://psa.gov.ph/philsys/faqs

Step 3: Issuance ng PhilSys Number (PSN) at PhilID

Ang inyong PSN at PhilID ay ide-deliver ng PHLPost sa inyong tahanan! Paalala lamang po na huwag i-post sa social media ang inyong PhilID dahil ito ay naglalaman ng inyong personal na impormasyon.

Kung merong concern o tanong, maaaring sumangguni sa mga sumusunod na feedback channels:

Email: info@philsys.gov.ph

Facebook: m.me/PSAPhilSysOfficial

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!