Nag-viral sa social media ang isang Facebook post kung saan makikitang namimigay rin ng libreng soju, isang sikat na Korean alcoholic drink.
Maliban sa mga gulay at iba pang supplies, maaari ring kumuha ng soju sa community pantry na ito sa Brgy. Cupang, Antipolo City noong April 24.
Sa post ni Marvin Perez Rodrigueza, isa sa mga nagbabantay sa nasabing community pantry, makikita ang larawan ng apat na kahong soju.
Ngunit paglilinaw niya, donasyon din lamang ito kung kaya’t naisipan na lang din nilang isama sa mga supplies na ipinapamigay nila.
Aniya, sinisiguro naman nila na hindi menor de edad ang makakakuha nito.
Pinamimigay namin mga essential food pero nung may nag donate po ng soju pinamigay na din po namin kasi di naman po menor de edad ang mga nakapila po.
Dagdag pa niya, natuwa ang ilang residente at gusto pang humirit ng dagdag na soju ngunit nilinaw niyang isang bote lamang kada tao ang kanilang ibinibigay.
Agad nag-viral ang nasabing post na sa ngayon ay mayroon nang 31K shares.
Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Oh lbas mga wasalak may libreng soju dpat sinamahan niyo na ng yakult at yelo para ayos”
“alcohol drinking is the advocacy of this pantry! wala bang ban sa alcoholic drinks sa antipol city?”
“Take note po DONATION PO YAN SA MGA DI NAKAKAALAM AT ISA PA HINDI PO LIQUOR BAN ANG ANTIPOLO KAYA WAG PO KAYONG ANEK ANEK HAHAHAHAHAH”
“Masarap yang so nice heheh natikman ko na yan, makapila nga diyan sa antipolo para makakuha niyan hehehe”
“Redhorse sana mas mabilis pa sa takbo ng kabayo pila pag ganun”
“May gawin kang maganda o wala may masasabi ang mga Tao. Alamin muna bago kumuda. Ung alak po ang Dinonate na alak na mismo. Hindi po yan binili ng nasabing grupo ng kabataan. Dipo pinipilit o ine encourage ang lahat na kumuha nyan. Sa susunod po pag may alak po ulet na donasyon dinalang ipamimigay. sasarilihin nalang po ng mga may ginagawang maganda sa kapwa at di puro paninira sa socmed”
“hmm sna next kimchi at maki”
“Next week mag papa Sangyupsal daw sila…Para completo..”
“Wala na kayo magagawa soju ang kayang idonate eh.”
“Matindeee, yung merong pagkain sa mga nangangailangan, syempre meron din para sa mga sunog baga”
“Gorabels tayo jan… so nice talaga yan hehehe…”
“Bat walang Kasamang Yakult HAHAHAHAHHAHA para solid talaga”
“Wala ba gin dyan o lambanog katumbas ng soju hahaha”
* * * * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts! 😍
Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily
Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily