Jolo Revilla, trending sa social media dahil sa maling post tungkol kay Ferdinand Magellan

Humingi ng paumanhin si Cavite Vice Governor Jolo Revilla dahil sa isang maling post sa Facebook kung saan napagkamalan niyang si Ferdinand Magellan si Lapu-Lapu.

Sinisi niya ang isang intern na umano’y nag-post ng caption sa isang ‘meme’ na siya namang nag-viral sa social media.

“I apologize for the earlier confusing post on our celebration of Lapu-lapu’s victory in Mactan 500 years ago.

“An intern in our social media team posted the caption to our meme without first clearing it.

“Again, my sincerest apologies to our Cebuano kababayans and to all Filipinos.”

Sa nasabing viral post, sinaluduhan ni Jolo ang kabayanihan ni Ferdinand Magellan, sa halip na si Lapu-Lapu.

Isang pagsaludo sa kagitingan ng isa sa mga unang bayani ng bayan na si Ferdinand Magellan na nagbuwis ng kanyang buhay para sa kalayaan 500 taon na ang nakakaraan.

PHOTO: Facebook | Jolo Revilla

Agad itong umani ng puna ng mga netizens dahil sa nasabing pagkakamali.

Na-edit naman ang nasabing caption ngunit binura din ang post kalaunan.

Kasunod nga nito ang paghingi ni Jolo ng paumanhin.

Tinanggap naman ng ilan ang paghingi niyang ito ng paumanhin.

“Apology accepted vice Gov.. and thanks for being polite… and i salute you for accepting mistake.. nobody’s perfect in this world..stay safe and God bless you always”

“Everyone makes mistake VG! Its okay po, we understand”

“Ang mahalaga po ay humingi kayo ng tawad at alam niyo po ang pagkakamali ninyo”

“At least po inamin at humingi agad ng patawad sa kanyang pagkakamali”

“Anyone can make a mistake, nagsorry na. Let’s move on.”

 Sa kabila nito, may ilan pa ring bumatikos sa paghingi niya ng paumanhin.

“Hala kawawang intern nasisi pa, pwede namang mag-sorry ka na lang. Saan accountability? Alam na kanino mana”

“Blaming an intern? Calling it a meme? A meme?? It was a gaffe. Lol”

“Hindi ata aware si kuya dun sa term na “command responsibility”. Nakakatakot yan walang sense of ownership.”

“Your team reflects you, sir. This is very basic Philippine history information. This is a big NO, NO. Parang covid 14 error lang yan. Sana bago ilabas, ipost o basahin nirereview nyo muna.”

“It’s your account. Regardless if you have an admin or not to manage it, take ownership. That’s what a true leader does. Not finding someone to pin the blame on.”

Para sa ilan, bagama’t tama ang ginawang paghingi ng paumanhin, hindi dapat isisi sa iba ang pagkakamali.

Anila, mali pa rin ang sinabi sa post na nagbuwis ng buhay si Lapu-Lapu sa nangyari sa Mactan 500 years ago dahil ito ang nanalo laban kay Magellan.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!