Samantha Bernardo, hataw sa Miss Grand International 2021 prelims

Palaban ang pambato ng Pilipinas sa Miss Grand International 2021 na si Samantha Bernardo sa katatapos na preliminary competition.

PHOTO: Instagram | Samantha Bernardo

Pinag-usapan ang kaniyang pasabog na pasarela walk na binansagang “granada walk.”

Pati ang kaniyang emerald green evening gown ay tumatak sa mga viewers at pageant enthusiasts.

Ang evening gown na ito ay gawa ng Laguna-based designer na si Louis Pangilinan.

Ayon sa stylist ni Samantha na si Kenneth Yturralde Ramil, ang gown na ito ay binansagang “lipad.”

This gown inspirits the small bird with broad wings that is undoubtedly recognizable by its green body color and yellow throat called “Yellow-throated leafbird.”

This bird is endemic to Palawan which Samantha Bernardo represents in her Binibining Pilipinas expedition.

This emerald green-colored gown is premeditated with hand-embroidered beads and sequins. Accentuated with gold crystals as a representation of the yellow throat of the bird and feathers from fibers extracted by hand and worked into fine threads woven together in the lower part of the gown.

Maging sa swimsuit competition ay humataw nang husto ang 27-year old beauty queen na ito mula sa Palawan.

Screenshot: YouTube | GrandTV

Isa si Samantha sa early crowd favorite sa nasabing kompetisyon.

Inaasahan ding siya ang unang Pinay na makapag-uuwi ng Miss Grand International crown.

Gaganapin ang coronation night sa Sabado, March 27, 7PM sa Bangkok, Thailand.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: