Jhong Hilario, ipinakilala na ang kanilang “sample princess” na si Sarina

Masayang ipinakilala ni Jhong Hilario sa pamamagitan ng isang Instagram post ang kanilang first baby ng asawang si Maia Azores.

Binansagan niyang “sample princess” ang kanilang baby na pinangalanang Sarina.

Ang nakalagay na caption sa kaniyang Instagram post:

Hello my LOVE!!! ❤️❤️❤️ #Sarina #SamplePrincess

Screenshot: Instagram | Jhong Hilario

Kilala si Jhong bilang “sample king” sa ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime” kung kaya naman “sample princess”  ang naging bansag sa kanilang panganay.

Agad dumagsa ang mga well-wishers sa Instagram post ni Jhong kabilang na ang ilang malalapit niyang kaibigan at katrabaho.

Screenshot: Instagram | Jhong Hilario

Matatandaan na noong November 2020, inianunsiyo ni Jhong ang pagbubuntis ng kaniyang long-time partner na si Maia.

Screenshot: Instagram | Jhong Hilario

Kasalukuyan ding napapanood si Jhong bilang isa sa mga contenders sa “Your Face Sounds Familiar” sa ABS-CBN na napapanood tuwing Sabado at Linggo sa lahat ng ABS-CBN platforms.

PHOTO: ABS-CBN

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: