‘Wowowin’, puro replay na lang; Willie Revillame, tinatamad nang magtrabaho?

Palaisipan sa mga manonood kung bakit tila palagi na lamang replay ang TV show na Wowowin ni Willie Revillame Sa AllTV.

Kapansin-pansin umano na wala nang bagong episodes ng programa ang ipinapalabas sa mga nakalipas na araw.

RELATED POSTS:

Sa YouTube channel na Showbiz Now Na, isa ang isyung ito sa napag-uspan nina Cristy Fermin.

Kwento ni Cristy, “Ang dami pong nagtatanong sa amin kung nasaan na si Kuya Wil bakit laging replay ang Wowowin?

“Ano po ba ang nangyayari sa kanya?

“Ang daming nagsasabi sa atin, one time, nasa yate siya, bumiyahe sa Olongapo?

“Noong one time naman, nandoon daw sa Mindoro, sa kanyang bahay.

“Hindi po namin alam kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon.”

“Basta’t ang alam ko lang ay siguro nga, kinausap na siya ng AMBS2 (Advanced Media Broadcasting System 2). At may source po kami na nagsabi na may sumagot na raw sa kanyang tawag.”

May kinalaman ito sa dating pahayag ni Willie na wala siyang alam tungkol sa noo’y napapabalitang pagsasara o pagtitigil umano ng mga programa sa AllTV.

Ayon sa TV host, wala naman umanong nagsasabi sa kaniya tungkol dito at wala umanong sumasagot ng tawag niya.

Ayon pa kay Cristy, “Oo, sinagot na raw siya ng tagapamuno ng AllTV pero ang sagot sa kanya, ‘Babalikan ka namin.’

“‘Di ba, walang kasiguruhan ‘yung babalikan ka namin? Para kang nag-a-apply sa trabaho, ‘di ba? ‘Don’t call us, will call you.”

Ayon pa sa kasamahan ni Cristy na si Romel Chika, ito raw siguro ang dahilan kung bakit tila nawalan na si Willie ng entusiyasmo sa pagtatrabaho.

Matatandaang napabalita kamakailan ang pagtigil ng ilang programa sa AllTV dahil sa umano’y pagkalugi ng mga ito.

Wala pang kumpirmasyon kung pansamantala lamang ito at kung magbabalik pa ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!