Ogie Diaz, kinontra si Liza Soberano tungkol sa mga naging ‘pasabog’ nito

Nagbigay na ng pahayag ang talent manager na si Ogie Diaz tungkol sa mga naging pahayag ng dati niyang alaga na si Liza Soberano.

Sa kaniyang YouTube vlog, nag-iwan ng mensahe ang talent manager sa dating Kapamilya actress.

RELATED POSTS:

Kaugnay ito ng mga naging pahayag ni Liza tungkol sa naging takbo ng karera nito sa ABS-CBN.

“Anak lagi kang binibigyan ng chance to say your piece, your opinion, your suggestions.

“Pinapakinggan ka din naman pag may complaints ka, pero diba kung minsan we have to meet halfway, pinagbibigyan mo naman ang production kapag nilambing ka and I thank you for that.

“Pakikisama ang tawag doon anak, pagtatanim para in the future may aanihin.”

Matatandaang ilang taong nanatili bilang alaga ni Ogie si Liza.

Tumayong co-manager ng aktres si Ogie katulong ang Star Magic — ang talent management arm ng ABS-CBN.

“Hindi rin naman siguro ako magiging Ogie Diaz kung ako lang mag-isa, nakisama, naki-PR din naman ako, pag may gusto ka naman anak o may ayaw ka, isinasaalang alang din naman nila yun, di ba?

“Tandaan mo anak, narating mo ang fame hindi lang sa akin at sa suporta ng Star Magic at ABS-CBN at ng production staff, dahil din ‘yan sa dedication mo sa trabaho.

“Dahil yan sa’yo, kaya palakpakan mo rin ang sarili mo ha, lahat ng ito, nang narating mo pinaghirapan mo yan anak, para bigyan ng magandang buhay ang pamilya mo, sila ang inspirasyon mo kaya minahal mo rin ang career mo.”

“Yung sinabi mong ‘I didn’t chose the name Liza, It was chosen for me’, anak, ‘yung screen name na Liza Soberano ibinigay sa ‘yo ni tita Malou Santos, ng Star Cinema, ‘yan ang nagtaguyod sa pamilya mo.

Nabigyan mo ng bahay at magandang buhay ang Daddy mo, nakakapagpadala ka rin ng tulong sa Mommy mo sa States, naibili mo ng bahay ang lolo at lola mo na kumopkop sa inyo ng kapatid mo na si Justin nung mga bata pa kayo sa Amerika.

“Lahat yan dahil sa’yo, dahil sa pagiging Liza Soberano mo, anak. Mas isyu siguro yung screen name kung hindi tumatak sa mga Pilipino, kung hindi ka tinangkilik, di ba?

“Eto anak wa echos ‘to, I wish you goodluck sa bagong bihis na Liza Soberano.

“Alam mo ito lagi kong sinasabi, malaki ang utang na loob ko sa iyo dahil ang mga kinita ko sa iyo bilang manager ang ipinambabayad ko sa hospitalization ng inaanak mong si Miracle noong 2017 at 6 years old na siya ngayon.

“Nung naghiwalay tayo bilang manager talent sabi ko sa’yo basta may concerns ka, problema o tanong ka, nandito lang palagi ang tito Ogie mo, maghihintay lang ako ng tawag o text mo.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!