“Wala kang utang na loob. Hindi ka Pilipino.”
Ito ang matapang na pahayag ng kilalang showbiz columnist at TV host na si Cristy Fermin kaugnay ng isyung kinasasangkutan ng dating ABS-CBN talent na si Liza Soberano.
View this post on Instagram
Kaugnay ito ng paglabas ng vlog ng dating Kapamilya star kung saan nagkuwento ito tungkol sa kaniyang mga pinagdaanan sa kaniyang career.
Ani Cristy, “Kahit anong bali-baligtad pa po ng mga dahilan at katuwiran ang kanilang ibigay, kahit anong pagtatago, lalabas at lalabas din po ang katotohanan kung bakit.
“Nalulungkot ako kay Liza.”
Ikinumpara rin ni Cristy si Liza sa ilang sikat na artista na maaga ring nagsimula sa showbiz.
“Sa kasaysayan po ng pelikula, nagkaroon po tayo ng Superstar (Nora Aunor), nagkaroon po tayo ng Star for All Seasons (Vilma Santos), meron po tayong Megastar (Sharon Cuneta), meron po tayong Diamond Star (Maricel Soriano), at iba pang mga personalidad na naabot ang kanilang mga pangarap.
“Never po tayong nakarinig ng anumang salita sa mga binanggit po naming artista. Na noong sila po ay nagsimula sa pagharap sa kamera, sila ay ninakawan ng kanilang sariling personalidad, ng kanilang kaligayahan, ng kanilang pagkatao, ng kanilang kalayaan. Wala po.
“Puro pagpapahalaga po sa kanilang karera ang ating narinig at nabasa at napanood.
“Bukod tanging ang Liza Soberano na ito ang nagsabi ng puro reklamo. Na siya daw po noong siya nag-artista, alalahanin daw po natin na 16 years old lang daw po siya eh umaarte na siya, at 25 na po sya ngayon.
“At sabi po niya, ninakawan siya ng freedom, ng happiness, ng childhood at ang sabi pa niya, ‘I’ve earned the right to be me.’
“Kumbaga pinagsakripisyuhan daw po niya yan at ngayon daw siguro naman maiintindihan na natin na, meron na siyang karapatan ngayon na maging siya.Parang ganon.
“Ang ABS-CBN todo todo po ang ibinigay sa kanya na suporta. Binigyan siya ng suporta ng ABS-CBN. Tapos ang Star Magic, inalagaan siya nang husto.
“Pinuhunanan siya ng Star Cinema ng ABS, ng Star Magic ng perang puhunan. Para sa kaniyang pelikula. Pero ano reklamo niya?
“Iisang tao lang daw ang ipinareha sa kanya. Tatatlong direktor lang daw po ang paikot-ikot na humahawak sa kanya.
“At paulit ulit daw po na ganon lang ang istorya sa mga teleseryeng ginawa niya.
“May utang na loob po ba ang ganitong klaseng tao? Na hindi pinahahalagahan ang paghihirap at pagsasakripisyo ng mga taong tumulong sa kanya, para maabot niya ang kanyang pangarap.
“Meron siyang manager, si Ogie Diaz.”
Ang komedyante at talent manager na si Ogie Diaz ang nagsilbing co-manager ni Liza na noo’y nasa poder din ng pangangalaga ng Star Magic — ang talent management arm ng ABS-CBN.
Enero noong nakaraang taon nang lumipat si Liza sa management ng aktor na si James Reid.
“Kung meron siyang gustong sabihin sa produksyon, andiyan ang manager niya para sabihan nya at maging boses niya. Para kung ano yung sinasabi niya, na hindi ibinigay sa kanya, na hindi man lang daw sya makapamili ng damit, ng kanyang gagawin at ng kanyang sasabihin… Dahil kumbaga ay kinontrol na lang daw po sya.
“Nakakalungkot ka, Liza Soberano. Napakaraming artista sa kasaysayan ng pelikula at telebisyon na nagtagumpay, na pinahalagahan ang kanilang ginagawa.”
“Tapos ngayon sasabihin mo, ngayon mo pa lang na-eenjoy ang buhay mo, bilang ikaw si Hope Elizabeth Soberano. Nakakaloka.
“Ito pala ang tunay na dahilan kung bakit ka umalis ng Pilipinas. Hindi yung gagawin mo pang sangkalan ‘yang Hollywood na butas ng karayom ang lulusutan mo, bago ka makapasok? Eto lang pala.
“Ayaw mo pala yung mga pinapagawa sa iyo ng Star Cinema, ng ABS. Ayaw mo pala yung pamamalakad ng manager mo? Ayaw mo pala lahat ‘yon?
“Binura mo na pala lahat iyon sa pagkatao mo bilang artista.”