Willie Revillame, ipapa-NBI ang mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya?

Sa isang episode ng kanyang GMA-7 show na “Wowowin” kamakailan, sinagot ni Willie Revillame ang ilang fake news na ibinabato tungkol sa kanya.

Una na nga rito ang pagkakabuntis niya umano sa co-host niyang si Herlene Budol na mas kilala bilang Hipon Girl.

Ang pagbubuntis umano nito ang itinuturong dahilan kung bakit nawala ito sa kanilang show.

“Kaya daw nawala si Hipon nabuntis ko. Ano magiging anak namin…hipon?.”

“Natsitsismis ho nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw. Hindi totoo ‘yan. Puro fake news ang ginagawa niyo.”

Ayon na rin mismo sa TV host, hindi lamang si Hipon Girl ang natsitsismis na nabuntis umano niya.

Pati raw ang TV host-actress na si Kris Aquino ay natsitsimis na nabuntis niya.

“Pati kay Kris Aquino. Mahiya naman kayo. Huwag kayong maniniwala dyan. Pati mga taong nanahimik.”

Hindi ikinakatuwa ng TV host ang patuloy na pagkalat ng mga nasabing fake news tungkol sa kanya.

Dahil sa mga tsismis na ito, iniisip na rin daw niya ang paghingi ng tulong sa National Bureau of Investigation o NBI para mapanagot ang mga nagpapakalat ng mga fake news.

Ikinatuwa naman ito ng ilan sa kanyang mga tagahanga at sinabing nararapat lamang na sampahan ng reklamo ang mga nagpapakalat ng mga hindi totoong balita tungkol sa TV host.

Samantala, idinaan naman ni Hipon Girl sa TikTok videos ang pagsagot sa mga nasabing fake news.

Sa pamamagitan ng ilang videos, ipinakita niya ang kanyang flat na tiyan para patunayang walang katotohanan ang kumakalat na balita.

Panoorin ang nasabing videos dito.

@herlene_budolBUNTIS PA MORE ##fypシ ##fyp ##foryourpage♬ Baby Ko Si Pash Pash – guthrie

@herlene_budolGTA NYO BUNTIS ##fypシ ##fyp ##foryourpage♬ San Andreas Theme Song – Young Maylay

Sa kanyang Instagram account, nag-post din siya ng ilang larawan kung saan nakasuot siya ng swimsuit sa isang swimming pool.

Lutang ang kanyang kaseksihan at tila ipinapakita niya sa publiko na flat ang kanyang tiyan kung kaya’t walang katotohanan ang sinasabi ng ilan na nabuntis umano siya ni Willie.

Nilagyan din niya ito ng caption na:

“BUNTIS daw ako haha 😂”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: