Willie Revillame, nagsalita na tungkol sa pagkawala ni Hipon Girl sa Wowowin

Nagsalita na ang TV host na si Willie Revillame tungkol sa issue ng pagkakabuntis niya umano sa co-host sa programang Wowowin na si Herlene Budo o mas kilala bilang “Hipon Girl.”

Sa pagkawala ni Hipon Girl sa programa ay naglabasan ang ilang usap-usapan tungkol dito.

Kaya naman nagdesisyon na si Willie na i-address ang nasabing usapin.

“Kaya daw nawala si Hipon nabuntis ko. Ano magiging anak namin…hipon?.”

Sa isang episode ng Wowowin ay tahasang sinabi ng TV host na tsismis lamang ito at fake news.

“Natsitsismis ho nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw. Hindi totoo ‘yan. Puro fake news ang ginagawa niyo.”

Sinabi din ng TV host na hindi lamang si Hipon Girl ang itinuturong nabuntis niya umano.

Pati raw ang TV host-actress na si Kris Aquino ay natsitsimis na nabuntis niya.

“Pati kay Kris Aquino. Mahiya naman kayo. Huwag kayong maniniwala dyan. Pati mga taong nanahimik.”

Pinag-iisipan na rin umano niya ang paghingi ng tulong sa NBI para sa pagsasampa ng kaso sa mga nagpapakalat ng fake news na may kinalaman sa kanya.

Umani ito ng samu’t saring reaksiyonmula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Impossible po na bubuntisin ni kuya Will si Hipon Girl at saka baka nagpapahinga lang siya pansamantala tao lang siya napapagod din…Di gagawin ni kuya Will at parang anak na ang turing sa kanya…May jowa si Hipon Girl at mahal nila ang isa’t isa…”

“Wala na kayong pakialam kung buntis man SI hipon o kungnabuntisan man ni will…Ang pinoproblema kolang Naman Kung pano mananalo sa tutoktowin na lagi Naman kaming nakatutok..😁😁”

“Kung nbuntis ni will e di blessing..eh anu nmn pake nl..pangialam ng buhay n my buhay mga wl mgwa sa buhay kyo ba mgppakain sknla..saya saya nga nun kng totoo blessing un pero malabo yun mangyri.”

“Yahahaha si hipon na buntis daw ni kuya Willie sa wakas nagka anak na din si kuya Willie ng seafood.mga tao talaga walang magawa sa buhay kung anu anu na lang ginagawa na kwento sa kapwa para mapansin.”

“Kakikita KO laang c hipon c blog nila ni Ryan Bang ay hindi man buntis .. Grabe na nga naman ang chismosa ano ho 😂”

“pati ba naman yan issue ako problema ko lang pano mananalo sa wowowin sa shopee live araw araw”

“Kayo tlagang mga makati  ang dila walang masama kung mabuntis ni kuya willie  si hipon hindi yon nkapagtaka ang masama yong si willie ang nabuntis ni hipon chismis pa more”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: