Kris Aquino, gusto nang umuwi ng Pilipinas?

Gusto na nga bang umuwi ng Pilipinas ng tinaguraing Queen of All Media na si Kris Aquino?

Sa isang episode ng YouTube program ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ay isa ang kondisyon ni Kris ngayon ang muli nilang napag-usapan.

RELATED STORIES:

Nagbahagi ng updates tungkol sa TV host-actress ang co-host ni Cristy na si Morly.

Ayon umano sa ilang sources nila, tila gusto nang umuwi ni Kris sa Pilipinas.

Matatandaang nasa Houston ang TV host para sa pagpapagamot nito.

“Ang bagong balitang nakarating sa atin, Ate Cristy, parang gusto na raw umuwi nitong si Kris Aquino sa Pilipinas.

“Uwing-uwi na siya, parang bored na bored na siya, parang inip na inip na siya.” 

Isa sa naging concern ni Cristy ay ang kalagayan ng kalusugan ngayon ni Kris.

“Yun na nga ang malaking problema, Ate Cristy. Hindi pa natin tiyak kung siya ba ay malusog na o okay na ba ang kanyang kondisyon.

“Pero ang nakarating sa ating mga balita, Ate Cristy and Wendel, ay parang gusto nang umuwi ni Kris Aquino,” pagbabahagi ni Morly.

“Siguro kapagka katulad ka ni Kris Aquino na talagang sobra-sobra na ang pinoproblema sa kanyang kalusugan, kahit ano nalang siguro ano?

“Parang pag gusto niya umuwi, gusto niya umuwi. Pag gusto niyang magtaray, magtataray siya, pag gusto niya mag reklamo.

“Kakambal kasi nung sitwasyon yun e. ikaw ba naman diba, magka-problema ka ng matinding mga allergies niya, immuno disease niya, yung iniinom niya ang dami daming gamot…

“Tapos ang dami pang nagaganap dito sa ating bayan na hindi manlang niya maidipensa ang sarili niya…”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: