Lolit Solis, muli na namang inokray si Bea Alonzo

Muli na namang binanatan ng showbiz columnist na si Lolit Solis ang Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Ito ay matapos lumabas ang teaser ng Pinoy adaptation ng Start-Up na ipalalabas sa GMA-7.

RELATED STORIES:

Pinagbibidahan ito nina Bea at Alden Richards.

Sa kaniyang Instagram post, muling nagbigay ng kaniyang saloobin si Lolit tungkol sa tambalan nina Bea at Alden.

“Tawa ako ng tawa Salve sa reaction na mukhang Tita ni Alden Richards si Bea Alonzo.

“Nag react daw ang Korea bakit mukhang matandang Tita ni Bae Suzy ang kinuha ng Pinas para sa Start Up.

“Ano ba iyan, talaga bang labas na wrinkles ni Bea at kahit anong gawin make up talagang kita ng mukha siyang matandang Tita ?

“Grabe naman hindi na matakpan ng make up at styling ng glam team niya ang edad ni Bea eh ang mahal ng bayad sa mga ito pero hirap parin ayusin ang edad.

“At sobra naman iyon balita na kailangan mag mukhang matanda si Alden Richards para pantay tignan ang edad nila ni Bea Alonzo na mukhang Tita talaga.

“Hay naku, talagang nakaka alis ilusyon ang nagaganap na discovery ngayon kay Bea Alonzo .

“Iyon mukha siyang matanda, maraming wrinkles, laylay mga bilbil, mukhang losyang na laos na star, at marami pa after iwanan siya ni Gerald Anderson para sa mas bata at magandang Julia Barretto.

“Dapat talaga nagkaruon agad ng saving releases para lumabas na bida si Bea after the break up. Kailangan sa ganitong sitwasyon meron team Bea Alonzo para sa back up ng image ni Bea.

“Hayun nauna tuloy iyon question, ‘bakit iniwan ? Hindi worth it?’.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: