Herlene ‘Hipon’ Budol, nagpasiklab bilang ‘Darna’ sa kaniyang birthday celebration

Pumatok sa netizens ang pagsusuot ni Binibining Pilipinas First Runner-Up Herlene Nicole Budol ng ‘Darna’ costume sa kaniyang birthday celebration.

Ibinahagi ni Herlene sa kaniyang Facebook page ang kaniyang larawan habang suot ang iconic na red costume ng Pinay superhero.

Sa caption ng nasabing post, sinabi ng vlogger-turned-beauty queen na hango ang disenyo ng suot niya sa costume na ginamit ni Marian Rivera noon.

Matatandaang gumanap na ‘Darna’ si Marian noong 2009 sa GMA-7 television series.

“Ding ang korona! Suot ko ang costume ni Darna hango sa idolo kong si Marian Rivera ng GMA Network na naging Darna noon.”

Ibinahagi rin niya na matagal na niyang pangarap ang makapagsuot ng nasabing costume.

“Natupad na din ang pangarap kong magsuot ng Darna costume sa aking kaarawan.”

“At sa mga pumunta kagabi, na lugod kong kinatutuwa ang mga pasabog at supresa hatid ninyo sa akin. Maraming salamat sa Budol Family, Policarpio & Timbol Family, Soto & Guevarra Family at KaFreshness Family Headed by Sir Wilbert Tolentino.

“kht may [Baguio] andyan kayo para supportahan ang aking Birthday Celebration.

“Mapapanood nyo eto sa upcoming Vlog ko!! Salamat mga KaSquammy, KaHiponatics at KaBudol ko dyan!”

Mabilis na nag-viral ang nasabing larawan at umani ng iba’t ibang komento mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

”Ang sexy talaga ni Budol! Happy birthday!”

”Bagay na bagay sa kanya. Sana makaganap din siyang Darna one day.”

”Bakit kailangang specific pang si Marian? Eh halos magkamukha lang naman ang costume ni Marian at Angel.”

”Bakit ayaw mo kay Angel? Eh pareho lang naman ang costume nila? Issue ka ha”

”Bagay sa’yo in fairness!”

”Kailangan pa talagang may banggitin na pangalan? Dahil ba Kapamilya ang bagong Darna at Kapuso ka?”

Panoorin ang nasabing vlog dito.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: