Naging usap-usapan ng netizens ang naging pahayag ng talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis tungkol sa kaniyang alagang aso kamakailan.
Ayon kasi sa batikang manunulat, mas nanaisin niyang isama ang alagang aso kapag kailangan na siyang i-cremate.
RELATED STORIES:
- Lolit Solis, nagkuwento sa pagiging ‘hopeless’ sa pagkaka-ospital; gusto nang sumuko?
- Lolit Solis, na-ospital; tinablan na umano ng ‘sumpa’ ni Bea Alonzo
- Bea Alonzo, ‘kinulam’ umano si Lolit Solis?
“Pag ano, dapat… pag ike-cremate na ako, dapat i-cremate kasama ko si Jokjok (alagang aso).”
Labing-apat na taon na umano niyang alaga ang nasabing aso.
“Ayaw din ni Jokjok mabuhay na wala ako, ‘no?!”
“Palagi siya sa tabi ko pag nasa bahay ako. Sinasabihan ko siya, ‘Pag namatay ako chu-chu, sama ka sa akin, ha?’
“Parang umooo siya.”
Sa eksklusibong panayam sa kaniya ng entertainment website na PEP.ph, inamin niyang hindi pa rin niya lubos na tanggap ang kaniyang pagkakasakit.
“Diyos ko! Hanggang ngayon, hindi pa nagsi-sink in sa akin na may sakit ako, ‘no?!”
“Talagang naiirita ako. Kanina, yung mga kasama kong nagda-dialysis, parang ang saya-saya nila.
“Nagkukuwentuhan sila, nagtatawanan. Parang inis na inis ako sa kanila. Bakit parang enjoy na enjoy sila?
“Tapos pagdating ko kanina, binati ako, ‘Hi, sister!’ Naku! ‘Hoy! Anong sister-sister diyan?!’ Nakakaloka! Sister sa dialysis?!
“At yung isa, siya mismo ang nag-ayos ng kanyang upuan. Siya ang nag-ano.
“Nahiya nga ako. Kasi, kanina, yung isang nagda-dialysis, binigyan ako ng mamon. Na-touch ako!
“Kaya next time, magdadala na rin ako ng mamon at bibigyan ko sila!”
Ibinahagi rin ng talent manager na may nahanap nang kidney donor para sa kaniya at mayroon na ring nagprisintang sumagot sa mga gastos sa kaniyang operasyon.
“Nung nalaman ni Mayor Enrico Roque [ng Pandi, Bulacan], di ba? Sabi niya, ‘Nay, magpapahanap ako ng donor! Gusto mo?’ Napaiyak ako.
“Tapos bigla naman, tumawag si Alice Eduardo [CEO of Sta. Elena Construction Corp.], di ba? Sagutin daw niya ang operasyon ng ano ko, yung kidney transplant. Napaiyak na naman ako.
“Diyos ko! What have I done to deserve this kindness and love? Bakit andaming angels ang ibinigay ni God para magbantay sa akin?”
* * * * * * * * * *
Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!
Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily