Bella Poarch, inaming crush si Joshua Garcia: “We message a lot.”

Inamin ng international TikTok sensation at singer na si Bella Poarch na crush niya ang Filipino actor na si Joshua Garcia.

Sa isang exclusive interview sa kaniya ni MJ Felipe sa TV Patrol, inamin niya ang kaniyang paghanga sa aktor.

RELATED STORIES:

“My favorite Filipino actor right now is Joshua… you know who…

“Crush ko ‘yun eh, si Joshua,” pag-amin ng Filipino-American singer.

Nang hingan naman siya ng mensahe para sa aktor, inamin din nito na nagkakapalitan na sila ng mensahe nito.

“We message a lot. 

He already knows what I’m gonna say.”

Matatandaang naging usap-usapan ilang buwan na ang nakakaraan nang magkomento si Bella sa isang Instagram post ni Joshua.

Napansin naman ito ng aktor at ni-reply-an ang nasabing komento.

Nag-viral din ang TikTok video ni Bella kung saan nai-feature nito ang aktor.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: