James Reid, may bago nang jowa? Larawan nila ni Nancy McDonie, nag-viral

Viral ngayon sa social media ang ilang larawan ni James Reid kasama si Nancy McDonnie ng Momoland.

Kuha umano ang nasabing mga larawan sa Los Angeles kung saan sila na-spot-an na magkasama.

RELATED STORIES:

Ayon pa sa netizen na nag-upload ng nasabing mga larawan, nakita umano ang aktor na nakahawak pa sa baywang ni Nancy habang naglalakad.

“Okay my friend saw J and Tita Nancy not binay in LA.

“They were walking closely and J is holding her waist while walking. 🥺”

Matatandaang kamakailan lang din ay nag-viral ang ilang larawan ng dalawa kung saan makikita ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.

Sa ilang larawan ay makikita pa ang pag-akbay ni James kay Nancy.

As of this writing, wala pang pahayag mula sa dalawa tungkol sa haka-haka ng ilan na relasyon umano ng mga ito.

Matatandaang magtatambal sana sina James at Nancy sa isang ABS-CBN series ngunit hindi na ito natuloy dahil sa pagpasok ng pandemic noong 2020.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: