Ruffa Gutierrez, nakapagsabi ng ‘bad word’ sa ‘It’s Showtime’; Vice Ganda, agad na nag-react

Muli na namang usap-usapan sa social media ang aktres na si Ruffa Gutierrez dahil sa episode ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime kahapon, August 11.

Habang nagkukulitan kasi ang mga hurado sa segment na Miss Q and A ay may nabitiwan itong ‘bad word’ sa kapwa judge na si KaladKaren Davila.

RELATED STORIES:

Mabilis na sinalo ni Vice Ganda ang sitwasyon at agad na humingi ng paumanhin sa mga manonood.

Sinabihan din niya si Ruffa na mag-apologize.

“Nag-a-apologize po kami sa nabitiwang word ni Ruffa Gutierrez. Masyado lang siyang happy. Mag-sorry ka na rin, Ruffa.”

Agad din namang nag-sorry si Ruffa at sinabing hindi niya alam na bawal pala ang nabitiwang salita.

”Bawal ba ‘yun? Oh, I’m so sorry. I didn’t know.”

Panoorin ang nasabing eksena dito.

Narito naman ang naging reaksiyon ng ilang netizens tungkol sa nangyari.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: