Alex Gonzaga, ‘sinermunan’ ni Matteo Guidicelli dahil sa umano’y insensitive jokes nito?

Viral ngayon sa social media ang isang video clip na kuha mula sa TV5 noontime show na Tropang LOL kung saan makikita ang pag-uusap nina Matteo Guidicelli at Alex Gonzaga.

Si Alex ay isa sa mga main hosts ng programa samantalang si Matteo naman ay guest co-host sa nakalipas na ilang episodes.

RELATED STORIES:

Sa nag-viral na video, makikitang nagbigay ng maikling mensahe si Matteo kay Alex.

“Pasensiya na po, may konting mensahe po ako sa mga Tropang LOL especially sa ‘yo, Alex.

“Pinaniganipan ko ‘to kagabi, sabi ko sa sarili ko at nag-pray ako, ‘Lex, tigilan na natin ang pagbiro natin sa mga asawa natin dahil… mga ex na ‘yan, e, tapos na ‘yan.

“Maawa naman tayo kay Konsehal at sa asawa ko dahil kagabi umiyak na ako dahil sa ‘yo…”

“Bakit ka umiyak sa akin, ano ang ginawa ko?” Tanong naman ni Alex.

“Dahil nasasaktan ako para sa asawa ko, tigilan na natin… Siyempre nai-stress din yung editor natin sa taas.”

Panoorin ang nasabing video dito.

Mabilis na kumalat ang nasabing video at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento tungkol dito.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: