Contestant, may resbak kay Ruffa Gutierrez: “Hindi marunong umintindi, pinahiya din po ako!”

Naglabas ng saloobin ang isang dating contestant sa It’s Showtime segment na Reyna ng Tahanan na si Marilyn Lagsa.

Ito ay matapos siyang umani ng pamba-bash sa social media dahil sa nangyari sa interview portion sa nasabing segment.

Sa nasabing portion kasi ay mismong ang nanay niyang si Aling Lourdes ang nagtanong sa kanya.

May kinalaman ang tanong sa pagkukupkop ng mga magulang ni Marilyn sa dalawang anak niya.

Ayon sa kanyang ina, sampung taon na siyang hindi nagbibigay ng suporta sa mga ito.

At ngayon ngang panahon ng pandemya ay nahihirapan na ang mga magulang ni Marilyn dahil wala halos kinikita ang mga ito.

“Pwede mo ba uli ibalik yung suporta kahit sa mga anak mo na lang at hindi na sa amin ng tatay mo?”

Naging paligoy-ligoy ang sagot ni Marilyn dito.

At nang magkomento na si Ruffa Gutierrez na isa sa mga hurado ay diretsahan nitong pinagsabihan si Marilyn.

Hindi nito naitago ang pagkadismaya at sinabihan si Marilyn na “mahaderang sumagot” sa mga hosts na sina Vice Ganda at Kim Chiu.

Sa kabila ng mga pangaral nito kay Marilyn, nangako naman ito ng tulong kay Aling Lourdes.

Nangako ring magbibigay ng tulong si Vice at Kim, maging ang iba pang hurado na sina Janice De Belen at Amy Perez.

+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + +

RELATED STORY:

Ruffa Gutierrez, ‘tinalakan’ ang isang contestant sa It’s Showtime?)

+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + +

Agad na umani ng batikos mula sa netizens ang contestant na si Marilyn.

Patuloy na pinag-usapan sa social media ang nangyaring tanungan ng mag-ina sa nasabing noontime show.

At sa gitna nga ng natatanggap na batikos ay naglabas ng saloobin si Marilyn.

Mas ipinaliwanag nito ang sitwasyon niya at nga kanyang mga anak.

Sinabi rin niyang naging paligoy-ligoy ang sagot niya dahil iniisip rin niya ang kanyang ina at ayaw niyang magmukha itong sinungaling.

Umalma rin siya sa mga negatibong komento na natatanggap niya pagkatapos ng kanyang pagsali sa contest.

Dagdag pa niya, sa halip na maging moment niya ang pagsali ay naging bangungot ito.

“May isang judge na hindi marunong umintindi, pinahiya din po ako!

“Sana nung time na po na ‘yun, naisip din niya na naka-live po kami.

“Di rin marunong mag-isip ‘yung judges ho na ‘yun!”

Bagama’t hindi niya pinangalanan, si Ruffa lamang ang nakatokang magkomento sa kanya nang araw na iyon.

Panoorin dito ang buong pahayag ni Marilyn.

Ngunit sa halip na mas makatulong ang naging paliwanag niya para mas maintindihan siya ng publiko, tila kabaligtaran pa rin ang nangyari.

Dinagsa pa rin ng batikos ng netizens ang nasabing video ng paliwanag niya.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

“Bakit parang kasalanan pa ni Ruffa?”

“Ate, wag mo namang sisihin ang nanay mo. Bakit parang lumalabas pang kasalanan ng nanay mo na itinanong niya yun sayo?”

“Nakuuu, baka matalakan na naman ito ni Ruffa! Hahaha! Excited na kong marinig ang reaksyon nya!”

“Halata namang galing sa puso ang tanong ng nanay nya. Isinulat pa nga para hindi makalimutan, so ibig sabihin totoo lahat yun.”

“Hindi naman scripted yung show. Ikaw na mismo ang nagsabi na hindi mo alam kung anong itatatnong ng nanay mo sayo. Kaya ibig sabihin nun, yun talaga ang totoong nararamdaman niya.”

“Sana bago ka sumali, tinanong mo ang sarili mo kung deserve mo ba.”

Balikan dito ang naging pagsali ni Marilyn sa nasabing contest ng It’s Showtime.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: