Ruffa Gutierrez, ‘tinalakan’ ang isang contestant sa It’s Showtime?

Nakatikim ng prangkang komento mula kay Ruffa Gutierrez ang isang contestant sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime kahapon, September 7.

Sa interview portion sa segment na Reyna ng Tahanan kung saan isang kamag-anak o kaibigan ng contestant ang magbibigay ng tanong, naging panauhin para kay contestant number 2 ang ina nito.

Ang naging tanong sa contestant na si Marilyn ng nanay niyang si Nanay Lourdes:

“Pwede mo ba uli ibalik yung suporta kahit sa mga anak mo na lang at hindi na sa amin ng tatay mo?”

Naging paligoy-ligoy ang sagot ng contestant sa tanong ng kanyang ina kung kaya naman nagkaroon ng maraming follow-up questions ang mga hosts na sina Vice Ganda at Kim Chiu.

Dahil dito, napag-alaman na sampung taon na palang kinukupkop ni Nanay Lourdes ang dalawang anak ni Marilyn.

At sa loob ng mga panahong iyon ay hindi nabibigyan ng sustento ang mga bata.

Dito rin sinabi ni Nanay Lourdes na nahihirapan na sila sa sitwasyon ngayong pandemic dahil halos wala silang kinikita sa pagtitinda.

Nagkusa naman sina Vice at Kim at nangako na bibigyan ng tulong si Nanay Lourdes at ang mga bata.

Sa dulo ng segment kung saan magbibigay ng komento ang mga hurado ay natapat si Marilyn kay Ruffa Gutierrez.

Dito na hindi napigilan ni Ruffa ang pagiging prangka sa kanyang mga komento.

Tahasan niyang pinagsabihan at pinayuhan ang nasabing contestant.

Panoorin dito ang nasabing eksena.

Sa Twitter, umani ng papuri ang ginawang ‘pagsermon’ ni Ruffa sa asabing contestant.

Narito ang ilan sa mga tweets ng netizens.

 

 

Panoorin dito ang nasabing eksena sa segment na Reyna ng Tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: