Smokey Manaloto, isa nang first-time dad sa edad na 44

“Sabi nila, wala ka nang pag-asa! Sabi nila, huli ka na sa biyahe.”

Ito ang naging pahayag ng komedyante na si Smokey Manaloto sa isang TikTok video kung saan ibinahagi niya na isa na siyang ama.

Sa nsabing video, ibinunyag niya ang isang “something big” na nangyari sa kaniyang buhay.

“Sabi nila, wala ka nang pag-asa! Sabi nila, huli ka na sa biyahe.

“Akala ko nga huli na. Hindi pa pala. Heto na yung something big na nangyari sa akin!”

Isa na siyang first-time dad sa edad niyang 44.

Ipinakita rin sa nasabing video ang naging pregnancy journey ng kaniyang partner hanggang sa makapanganak ito noong August 4.

Pinangalanan nila ang kanilang baby na Kiko.

Samantala, hindi pa ipinakikilala ni Smokey ang kaniyang partner.

Agad namang dinagsa ng pagbati ang nasabing post ni Smokey.

Ilan sa mga celebrity friends niya na nagpaabot ng pagbati ay sina Angelica Panganiban, Roxanne Guinoo, Kean Cipriano, at iba pa.

@smokeymanaloto First post!!! Welcome to my tiktok account! Enjoy!!! #thebigevent #firsttimedaddy #firstbaby #fyp #foryoupage #firstpost #smokeymanaloto ♬ What I Never Knew I Always Wanted – Carrie Underwood

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: