KaladKaren at Ruffa Gutierrez, ‘nagkasagutan’ nga ba sa ‘It’s Showtime’?

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang eksena sa episode ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime ngayong araw, August 10.

Ito ay sa segment na Miss Q and A kung saan parehong hurado ang impersonator na si KaladKaren Davila at ang aktres na si Ruffa Gutierrez.

RELATED STORIES:

Sa bahagi kung saan magbibigay na ng komento ang mga hurado, napansin ng ilang viewers ng show ang tila magkasalungat na pananaw ng dalawa.

Binigyang-diin ni Ruffa ang tungkol sa pagkakaisa.

“Tama yan ang mga langgam may unity. Unity ang kailangan natin lalo na ngayon ang daming mga taong bash lang ng bash.”

Samantalang si KaladKaren naman ay binigyang-diin ang aniya’y bulok na sistema.

“Ang mga tao parang langgam, masipag pero di parin umaasensyo dahil sa bulok na sistema.”

Panoorin ang nasabing eksena dito.

Agad itong naging usap-usapan sa social media at umani ng iba’t ibang reaksiyon ng netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga tweets tungkol dito.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: