Ivana Alawi, umani ng papuri mula sa netizens dahil sa muling pamamahagi ng tulong

Ikinatuwa ng netizens ang ginawa ng A Family Affair star na si Ivana Alawi sa latest YouTube vlog nito.

“Mamimigay ulit tayo ng blessings at i-she-share natin ang pagmamahal. Matagal ko na itong plinano at hinintay ko talaga na makalipat ako sa bagong bahay.”

RELATED STORIES:

Ito ay bilang selebrasyon sa pagkakakuha niya ng 15 million subscribers sa kaniyang YouTube channel.

“It’s a good start sa aking paglipat na mag-share ng love kasi mas magaan sa bahay kapag lagi kang namimigay. Ise-celebrate natin ang pag-hit natin ng 15 million subscribers.”

Ibinahagi ni Ivana na natutuwa siya na nakapagbibigay siya ng pasasalamat sa pamamagitan ng pamamahagi ng tulong sa mga nangangailangan.

“Sobrang thank you sa inyo for watching and supporting us and loving us and subscribing to us.

“Sobrang blessed ako na nandiyan kayo.

“Super ibabalik namin lahat ng blessings na ibinibigay niyo sa amin, and also the love and support na ibinibigay niyo sa pamilya ko.”

Panoorin ang kabuuan ng kaniyang vlog dito.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: