Ivana Alawi, inulan ng papuri ng netizens dahil sa kanyang latest vlog

Sa pinakabagong vlog ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel, ipinagdiwang niya at ng pamilya niya ang pagkakaroon niya ng 13 million subscribers.

Ngunit sa halip na maghanda ng mamahaling pagkain bilang selebrasyon, mas pinili ni Ivana na mamahagi ng tulong sa kanyang kapwa.

Nagdesisyon siya na mamigay ng ayuda sa 1,300 na tao na nakatanggap ng bigas, canned goods, face mask, at iba pa.

PHOTO: YouTube | Ivana Alawi

Maliban dito, namigay din siya ng tig-isang libong piso sa bawat makakatanggap ng food packs.

Personal din siyang naghanda at nagluto ng adobo na kasama sa ipinamigay na pagkain.

PHOTO: YouTube | Ivana Alawi

Sa nasabing vlog, ipinakita ang personal niyang pag-aasikaso mula sa paghahanda at pagre-repack ng mga nasabing ayuda.

Ayon sa kanya, mas pinili niyang gawing mas makabuuhan ang pagdiriwang na ito ng panibagong milestone sa kanyang career bilang isang vlogger.

PHOTO: YouTube | Ivana Alawi

Alam daw niya na mas maraming nangangailangan ng tulong lalo na ngayong panahon ng pandemya kung kaya’t nagdesisyon na lang siyang mamigay ng tulong kaysa mag-celebrate pa.

Paulit-ulit niyang sinabi na utang niya sa kanyang mga tagahanga ang pagkakaroon ng milyon-milyong subscribers kung kaya’t gusto rin niyang ibahagi ang biyayang natatanggap niya sa kanyang kapwa.

PHOTO: YouTube | Ivana Alawi

Ipinakita rin sa video ang pagtuutlungan nilang pamilya sa pagre-repack ng mga ayuda na ipamimigay sa piling residente ng Metro Manila at karatig-probinsiya.

Ipinaliwanag din ni Ivana na hindi na siya sasama sa pamamahagi ng mga ayuda bilang bahagi na rin ng pag-iingat sa kalusugan ng kanyang pamilya lalo na ng bunsong kapatid na si Mona na kasalukuyang nagpapagaling pa mula sa sakit.

PHOTO: YouTube | Ivana Alawi

Sa huling bahagi ng video ay ipinakita ang ilang larawan ng mga taong nabahagian ng tulong mula kina Ivana.

PHOTO: YouTube | Ivana Alawi

Agad na inulan ng papuri ang ginawang ito ng sikat na actress-vlogger.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens.

“Makikita mo talaga ang kabutihan ng puso niya.”

“Sana’y patuloy na bumaha ng pagpapapala sa buhay mo.”

“Ganitong vlogger ang masarap suportahan, hindi yung puro walang kwenta ang content.”

“Habang yung ibang vloggers ay puro prank at kaartehan lang ang alam, narito si Ivana na consistent sa pagtulong sa kapwa.”

“Ito ang dahilan kung bakit pauloy siyang pinagpapala. Suportahan natin si Ivana!”

PHOTO: YouTube | Ivana Alawi
PHOTO: YouTube | Ivana Alawi

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: