Ivana Alawi, pinangalanan ang vloggers at celebrities na ayaw maka-collab sa vlog?

Sa kanyang latest vlog, pinangalanan ni Ivana Alawi ang mga celebrities at kapwa-YouTubers na gusto at ayaw niyang maka-collab o makasama sa isang vlog.

Sa vlog na pinamagatang “Pass or Collab,” ang kapatid ni Ivana na si Mona ang nagbigay ng mga pangalan ng celebrities at YouTubers.

Isa-isa itong sinagot ni Ivana “pass” kung ayaw niyang makasama ang mga ito o “collab” kung okay lang sa kanya na magkaroon siya ng collaboration sa mga ito para sa isang YouTube content.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mona 🤍 (@_monaalawi)

Mabilis na “collab” agad ang naging sagot ni Ivana nang banggitin ang pangalan ng mga kapwa YouTube personalities na sina Bretman Rock, Niana, Ranz Kyle, Michelle Dy, Zeinab Harake, at Jelai Andres.

Sa mga celebrities naman, gusto rin niyang maka-collab sina Paulo Avelino, Vice Ganda, Kathryn Bernardo, Belle Mariano, Luis Manzano, Liza Soberano, Anne Curtis, Bea Alonzo, Sanya Lopez, at Bella Padilla.

Gusto rin niyang makasama sa isang YouTube content sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Aniya, aliw ring makasam sa isang vlog ang Beks Battalion at ang Donekla in Tandem.

Nang tanungin siya kung nais niyang maka-collab si Joshua Garcia, tila pabiro pa ang naging sagot niya.

“Tinatanong pa ba ‘yan?”

Dati na niyang inamin ang paghanga niya sa aktor.

Samantala, nagdalawang-isip siyang maka-collab si Heart Evangelista.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

“Feeling ko, hindi sa pag-ayaw ko kay Heart, pina-follow ko naman siya.

“Pero hindi kami tugma kasi sosyalera kasi siya.”

Gusto man daw niyang makasama ito, nahihiya pa rin siya.

Hindi rin daw niya kayang tapatan ang energy ni Kim Chiu kung kaya’t “pass” ang naging sagot niya.

“Ang taas kasi ng energy niya lagi. Di ko alam. Pero gusto ko siya.

“Mahirap makipagsabayan sa energy.”

“Pass” din ang naging sagot niya kina Wil Dasovich, Maja Salvador, at Enchong Dee dahil wala siyang maisip na posibleng content nila.

Mabilis na “pass” din ang naging sagot niya kay Marco Gumabao na na-link sa kanya kamakailan matapos mag-viral ang isang video na magkasama sila.

Wala siyang ibingay na paliwanag sa naging sagot niya.

“Pass” din siya sa YouTube couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad o mas kilala bilang JaMill.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayzam Lloyd Manabat (@jamillph)

“Feeling ko, kasi syempre mag-jowa sila tapos ako ano? Third wheel?”

“Pass” din siya kay Paolo Contis at pabirong sinabing hindi siya pwedeng lumabas as a friend.

Maging sa controversial sexy actress na si AJ Raval ay “pass” ang naging sagot niya.

Wala rin siyang ibinigay na paliwanag dito.

Panoorin ang kabuaan ng nasabing vlog dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: