Ivana Alawi, nagparetoke ng ilong para maging kamukha ni Liza Soberano?

Kinaaliwan ng netizens ang latest vlog ng actress-vlogger na si Ivana Alawi.

Muli na naman kasi siyang nagpakatotoo at inamin na pangarap niyang maging kasingganda ng ilong ni Liza Soberano ang ilong niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

Kaya naisipan niyang i-good time at i-prank ulit ang mga kapamilya niya.

Sa tulong ng bunsong kapatid na si Mona, pinalabas ni Ivana na nagpaayos siya ng ilong kay Dra. Vicki Belo.

Una niyang ipinakita sa kapatid na si Hash ang ilong niya na may sariwa pang tahi mula sa operasyon.

Ikinagulat ito ng kapatid at kinuwestiyon kung bakit kinailangan pang magpaayos ng ilong samantalang maganda naman na ang dating ilong niya.

Naging biktima rin niya sa prank ang ate na si Amira.

Taliwas sa reaksiyon ni Hash, tila supportive lang ang kapatid na babae.

Hindi na ipinakita sa vlog ang naging reaksiyon ng kanilang ina tungkol sa pagpaparetoke niya ngunit mas malamang na hindi nito nagustuhan ang ginawa ni Ivana.

Samantala, ang kasambahay nila na si May ang totoong magpapaayos ng ilong kay Dra. Belo.

Sinabi ni Ivana na matagal nang gusto ng kasambahay nila na ipaayos ang ilong nito dahil sa naranasang pambu-bully dahil dito.

Ikinuwento ni Ivana na kinausap na siya nito dati pa tungkol dito.

Balak pa umano nito na makiusap kay Ivana na gawing installment o hulugan na lamang sa kaniya ang magagastos sa operasyon.

“Ang importante sa akin ay makapagpasaya ng tao. Sa mga against sa pagpaparetoke, okay lang naman kung dream talaga nung tao kasi hindi naman namin pinipilit or ano.”

“It’s her body and gagawin ko ‘yung makakapagbigay sa kanya ng confidence at kung anong makakapagpasaya sa kanya.”

Kaya naman dinala niya ito sa clinic ni Dra. Belo para sa isang consultation at para na rin magpa-schedule sa operasyon nito.

Umani naman ng papuri mula sa netizens ang ginawang ito ng vlogger-actress.

Panoorin ang kabuuan ng vlog ni Ivana dito.

One thought on “Ivana Alawi, nagparetoke ng ilong para maging kamukha ni Liza Soberano?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: