Ibinunyag ng TV host-vlogger na si Herlene Nicole Budol na mas kilala bilang “Hipon Girl” ang totoong dahilan kung bakit siya sumali sa Binibining Pilipinas 2022.
Matatandaang si Herlene ang itinanghal na First Runner-Up at nakahakot ng pinakamaraming special awards sa naganap na coronation night kamakailan.
RELATED STORIES:
- Herlene Budol, humakot ng awards sa Binibining Pilipinas 2022; humataw sa Q&A
- Herlene Nicole Budol, hinangaan sa paggamit ng wikang Filipino sa Binibining Pilipinas 2022
- Ina ni Herlene Budol, dismayado sa resulta ng Binibining Pilipinas 2022?
Sa kaniyang latest YouTube vlog, ibinahagi ni Herlene kung sino ang nag-udyok sa kaniya na sumali sa national pageant.
“May i-share lang ako sa inyo, anong dahilan kung bakit ako sumali ng Binibining Pilipinas… sasagutin ko na nang totoo.”
Ayon sa kaniya, wala naman talaga siyang balak na sumali sa Binibining Pilipinas noon.
Sa tingin kasi niya ay hindi nababagay ang kaniyang personalidad sa mga ganoon gklase ng patimpalak.
“Yung unang tao na nag-push sa akin, nakakita ng potential bilang beauty queen ay si Sir Wilbert talaga.
“Sinabi ko nung una na ayoko, kasi ayoko talaga.
“Parang kabaliktaran kasi siya talaga ng buhay ko. Hindi ako sobrang pa-girl, hindi ako demure, hindi ako proper. Basta hindi ako yun.”
Si Wilbert ang tumatayong talent manager ni Herlene.
“Sobrang generous niyang tao, ang unang minotivate niya sa akin, ‘Nak sumali ka, hindi naman para sa akin ito, e, para naman sa ‘yo, ito e.’
“Sabi ko, ‘Ma, huwag, baka mapahiya lang kita.’ Sabi ko, ‘Hindi ako magaling na tao, hindi ako para diyan.’
“Alam niyo kung ano ginawa niya? Hindi talaga siya tumigil na i-push ako every day na magkikita kami. Sinasabi niya sa akin, ‘Kaya mo ‘yan, ano ka ba.’”
Kinausap umano siya nang masinsinan ni Wilbert at nag-offer ng isan gbagay na hindi niya inaasahan.
“Alam niyo, in-offer-an niya ako, ‘Gagawin ko sa ‘yo yung ginawa ko kay Madam Inutz, pumasok siya ng PBB, bibilhan ko siya ng bahay.
“‘So, sumali ka ng Binibining Pilipinas, bibilhan kita ng bahay.’
“Sino ba namang t*nga ang hindi papayag dun?”
“Praktikal na tayo, hindi naman kami mayaman ng pamilya ko. Kung nakikita niyo naman sa mga vlog namin, wala kaming kisame, mainit yung bahay namin, magulo yung bahay namin.
“Isa yun sa pangarap ko, na magkaroon kami ng bahay. Kahit anong trabaho ko, kahit sampung taon pa ako magtrabaho, makakabili ako ng bahay pero matagal na panahon.”
* * * * * * * * * *
Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!
Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily