Pagpanaw ni Cherie Gil, nakita ni Rudy Baldwin sa isang pangitain?

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang lumang post ng kilalang Pinoy psychic at visionary na si Rudy Baldwin.

Ito ay matapos ang balita ng pagpanaw ng beteranang aktres na si Cherie Gil.

RELATED STORIES:

Sa post ni Baldwin na ito noong nakaraang taon, sinabi nito ang tungkol sa tatlong kilalang pangalan sa showbiz.

Aniya, tatlo ang nakikita niya sa pangitain na magpapaalam na sa mundo.

Una ay isang beteranong direktor na nakilala sa paggawa ng mga pelikulang kumita sa takilya.

Pangalawa ay isang sikat na artistang babae.

At pangatlo ay isang babaeng nakilala rin sa singing at hosting.

Sa tatlong pangitain niya, wala siyang binanggit na mga pangalan.

Ngunit mabilis ang ilang netizens sa pagpuntirya sa pangalawang pangitaing binanggit ng psychic.

Inilarawan kasi ito na sikat na babaeng artista na kahit saan ilagay ay kinagigiliwan ng lahat.

Magaling na artista umano ito na sumikat mula pa noong kabataan niya.

Para sa ilang netizens, tila si Cherie Gil nga ang tinutukoy ng pangitaing ito.

Pinasok ni Cherie ang mundo ng pag-aartista sa edad na 15.

Isa sa pinaka-tumatak na pagganap niya ay bilang kontrabida ni Sharon Cuneta sa 1985 movie na Bituing Walang Ningning.

Nakilala ang karakter niya dito bilang Lavinia Arguelles na nagbitiw ng linyang “You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat!” 

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: