Ina ni Herlene Budol, dismayado sa resulta ng Binibining Pilipinas 2022?

Dismayado nga ba ang ina ni Herlene Nicole Budol sa naging resulta ng Binibining Pilipinas 2022?

Si Herlene ang itinanghal na First Runner-Up at nakakuha ng pinakamaraming special awards.

RELATED STORIES:

Sa interview sa ina ni Herlene, sinabi nitong nadismaya umano sila sa naging resulta.

“Para po sa akin ang anak ko ang winner pero okay naman po at panalo rin.”

Inilarawan niyang ‘super’ at magaling ang naging performance ni Herlene at deserve nito na manalo ng korona.

Tinanong rin siya kung ano sa tingin niya ang naging pagkukulang ng anak sa pageant.

“Sa palagay ko po wala kasi binigay pong lahat ni Hipon.

Ginawa po niyang lahat. Perfect!

“Hindi naman alam kung bakit ganun ang naging resulta.

“Anyway, masaya naman po kami para sa kanya. Hindi kami umuwing luhaan.”

Inasahan rin umano nila na si Herlene ang mananalong ‘best in swimsuit.’

“Para sa akin, ‘yung pinakabonggang performance is yung sa swimsuit po.

“Talagang napakagaling po niyang rumampa, ‘yung walk niya sobrang ganda.

“Medyo disappointed inaasahan naming siya ang best in swimsuit pero iba po ‘yung in-announce.

“Pero it’s ok lang po, laban ‘yan eh.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: