Annabelle Rama, binatikos ng netizens dahil sa hindi umano nito pagrespeto sa pamilya ni Cherie Gil

Tinawag ng ilang netizens na ‘bida-bida’ at ‘atribida’ ang celebrity mom at talent manager na si Annabelle Rama.

Kasunod ito ng balita ng pagpanaw ng batikang aktres na si Cherie Gil.

RELATED STORIES:

Pumanaw ang tinaguriang “La Primera Contravida” noong Biternes, August 5.

Bago pa man maglabas ng opisyal na pahayag ang pamilya nito para kumpirmahin ang pagkamatay nito, nauna nang nag-post sa kaniyang mga social media account si Annabelle.

Sa kaniyang Facebook accout at Twitter account ay nag-post siya ng itim ba larawan na may mensahe tungkol sa pagpanaw ng beteranang character actress.

”Cherie Gil just passed away at 5PM today. Please pray for her. 🙏”

\

Ilang sandali pa ang lumipas bago ang mismong pamangkin ni Cherie na si Sid Lucero ang nagkumpirma ng balita.

Hindi ikinatuwa ng ilang netizens na nauna pang mag-announce ng isang sensitibong balita si Annabelle kaysa sa mga kapamilya mismo ng namayapa.

Anila, sana raw ay inirespeto man lang nito ang pamilya ng aktres o kahit na si Cherie mismo.

Dagdag pa nila, mas maganda raw sana na hinayaan na lang muna ni Annabelle na maunang magbalita ang mga kamag-anak ni Cherie.

Narito ang ilang tweets ng netizens tungkol dito.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: