Karla Estrada, lumaki na umano ang ulo; hindi kinaya ang tinatamasang salapi?

Tuluyan na umanong lumaki ang ulo ng TV host-actress na si Karla Estrada kasabay ng pagsikat ng anak na si Daniel Padilla.

Ito ang naging obserbasyon ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin.

RELATED STORIES:

Sa online program na Showbiz Now Na, ibinahagi ni Cristy ang aniya’y ipinakikitang pag-uugali ni Karla.

Inilarawan niyang ‘na-overwhelm’ at hindi umano kinaya ang tinatamasang salapi’ ngayon.

Ayon sa kolumnista at sa mga kasamahan niya sa programa na sina Morly Alinio at Wendell Alvarez, kapansin-pansin umano ang ipinapakitang pagbabago sa ugali ni Karla.

Nagsimula umano ito nang tuluyan nang makaangat sa buhay ang TV host-actress.

Ayon pa kay Cristy, nagsimula ito nang sumikat ang anak ni Karla na si Daniel.

“Pero nung nagkapangalan ang anak na si Daniel Padilla, doon lumobo ang ulo niya.”

Ibinahagi naman ni Wendell ang tungkol sa dating halos kumupkop kay Karla.

“Humihingi siya ‘pag sinabing pahingi ng ulam, bibigay kaagad ng ulam. Ngayon, ‘di na niya masabihan ng Happy Birthday o Merry Christmas… Wala!”

“Samantalang dati kapag may mga shows tayo, umaangkas siya kahit Php2,000 na talent fee… Nung sumikat si Daniel, nahawa siya sa pagsikat, doon nagsimula ‘yung kanyang paglobo,” dagdag pa ni Cristy.

Narito naman ang ilang komento ng netizens tungkol dito (published as is).

”Iba talaga ang nagagawa ng pera pagdating sa ugali ng isang tao.”

”Baka naman guni-guni lang ni Cristy yan. Hahaha”

”Eto na naman po tayo sa pagma-Marites ni Cristy. Lol”

”Sino pa bang naniniwala kay Cristy? HAHAHA”

”Mukha naman talagang maangas yang si Karla.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: