Banned? Karla Estrada, malabo na nga bang makabalik sa Magandang Buhay?

Nagpaalam na sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay ang tinaguriang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Ito ay upang paghandaan ang concert nila ni Megastar Sharon Cuneta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay)

Matatandaang si Regine ang pansamantalang naupo bilang isa sa hosts ng nasabing morning show kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Siya ang umokupa sa nabakanteng puwesto ni Karla Estrada na pansamantalang umalis sa show para sa katatapos na eleksyon.

Naging abala si Karla sa pangangampanya para sa isang partylist kung saan isa siya sa nominado sa pagka-kongresista.

Naging kontrobersiyal ang desisyon niyang ito noon lalo na at ang nasabing partylist ay isa sa mga sumpuporta sa hindi pagkaka-renew ng prangkisa ng ABS-CBN.

At ngayon nagng hindi pinalad si Karla sa katatapos na halalan, naging palaisipan sa ilang netizens kung kailan ito babalik sa kanilang morning show.

Sa pag-alis nga ni Regine sa show, muling mababakante ang ikatlong puwesto bilang host ng programa.

Ngunit sa halip na bumalik na si Karla, ang tinagurang Queen of Philippine Soap Opera na si Judy Ann Santos ang ipinakilalang special guest co-host ng programa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay)

Wala pang announcement kung kailan magsisimula si Judy Ann sa show ngunit mayroon nang inilabas na teaser para rito.

Naging palaisipan tuloy sa ilan kung malabo na nga bang makabalik pa sa programa si Karla.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

”Mas maganda ngang manood ng Magandang Buhay ngayon dahil wala nang nambubully kay Melai.”

”Mas naging interesting ang show nung nawala si Karla. Real talk lang.”

”Wow! Regine is out, Juday is in! Exciting ito!”

”Kung hindi man ibalik si Karla, I say dasurv! Hahaha”

”Wag nang ibalik ang trying hard na host. Di naman sya nakakatuwa.”

”So anong napala ni Karla sa pagtatraydor sa network niya? Waley! Nganga!”

“Marami pang mas deserve na host, wag nang ibalik yan.”

”Pwede namang every week o every month iba ang guest co-host. Basta wag na pabalikin yan.”

”Mas masaya pa nga nung nawala yun eh.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: