Herlene Budol, ‘nadala’ na at ayaw nang sumali ulit sa beauty pageant?

Usap-usapan pa rin sa social media ang TV host-vlogger na si Herlene Nicole Budol kasunod ng pagkakapuwesto niya bilang First Runner-Up sa Binibining Pilipinas 2022.

Maliban sa muntikang pagkakasungkit ng korona, Si Herlene din ang nakakuha ng pinakamaraming special awards sa coronation night na ginanap noong Linggo ng gabi, July 31.

RELATED STORIES:

Umani rin ng papuri si Herlene dahil sa paggamit niya ng wikang Filipino sa pagsagot sa Question and Answer portion ng nasabing pageant.

Kabilang ang TV host-comedian na si Vice Ganda at Miss Universe Philippines 2014 Mary Jean “MJ” Lastimosa sa mga nagpahayag ng paghanga kay Herlene.

Sa isang tweet ni MJ, ibinahagi nito na wala na umanong balak sumali ulit sa beauty pageant si Herlene.

“Chinika ko si Budol Sabi ko proud ako sayo ang galing mong sumagot! Sumali ka pa ulit.

“Sagot niya: last ko na to ate. Aww why naman langga. #nicolebudol”

Samantala, sa isang interview sa Binibining Pilipinas 2022 winners pagkatapos ng grand coronation, nausisa si Herlene kung may balak pa nga itong sumali ulit sa pageant.

May pag-aalangan ang sagot ni Herlene.

“Yun po yung di pa natin alam. God’s will ‘yan. Antayin lang po natin kung saan po tayo dalhin ng panahon.”

Sinigurado rin niya ang pagbabalik-showbiz pagkatapos ng pageant.

“Babalik po tayo ng showbiz at siyempre, gagampanan ko rin po yung mga trabaho ko na kailangan pong gawin sa Binibini.

“Kaya see you, GMA!”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: