Vhong Navarro, ipinagtanggol ng dating asawa na si Bianca Lapus sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito

Nagpahayag ng suporta para sa Kapamilya host na si Vhong Navarro ang dati nitong asawa na si Bianca Lapus.

Ito ay sa gitna ng muling pagbuhay sa mga kinasasangkutan nitong kaso na rape at acts of lasciviousness.

RELATED STORIES:

Sa kaniyang Twitter account, nagbahagi si Bianca ng ilang larawan kasama si Vhong at ang anak nila.

Tinawag din niyang “good man” at “good kind hearted man” ang dating asawa.

Naniniwala siyang lalabas din ang katotohanan at nangako siyang walang iwanan.

“Standing by this GOOD MAN. Not perfect but definitely a good kind hearted man.

“Otherwise it won’t be easy for me to become friends and co parent with him.

“The truth will prevail. Walang iwanan. 🙏”

Matatandang ilang araw pa lamang ang nakalipas nang ipag-utos ng Court of Appeals ang pagsasampa ng mga kaso laban sa TV host-comedian.

Taong 2014 nang magsampa ng kaso ang dating modelo na si Deniece Cornejo laban kay Vhong.

Dati na itong ibinasura ng Department of Justice.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: