Juliana Parizcova, tuluyan nang ‘kinalimutan’ ng ‘It’s Showtime’?

Naging usap-usapan kamakailan ang komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia matapos itong hindi mapasama sa muling pagbabalik ng Miss Q and A segment sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Maraming netizens ang nagtaka na hindi ito napabilang sa production number sa muling pagbubukas ng bagong season ng segment.

RELATED STORIES:

Maging sa teaser para sa pagbabalik ng segment ay tila nakalimutan na siya ng noontime show.

Si Juliana ang kauna-unahang kinoronahang Grand Winner ng naturang kompetisyon noong 2018.

Hula tuloy ng ilan ay baka may kinalaman ang politika sa dahilan kung bakit hindi na kinuha ang komedyante sa pagbubukas ng bagong season ng kompetisyon.

Sa panayam sa kaniya ni Ogie Diaz sa YouTube channel nito, nagbahagi ng kaniyang saloobin ang komedyante.

Aniya, hindi na niya inasahang magiging bahagi pa siya ng production number para sa bagong season ng Miss Q and A.

“Parang in-expect ko na rin naman na. Kasi nung na-confirm ko…

”Noong una kasi puro chika chika lang na babalik ang Miss Q and A so nung nag-message sa akin si Lars, tinatanong kung kasama ako ng Monday sa opening prod, doon ko na-confirm na meron pala talagang Miss Q and A na bago.”

Sinabi niya umano kay Lars na hindi siya naimbitahan dito.

“Pero ako kasi feeling ko hindi na rin ako umasa na magiging part ako ng season 3 kasi my ilang taga-Showtime na in-unfriend na rin ako, mga ibang staff, so feeling ko hindi na rin talaga mangyayari.”

Pero aniya, nag-message siya kay Vice Ganda na isa sa mga hosts ng noontime show.

Ito ay matapos mabanggit nito ang kaniyang pangalan habang iniisa-isa sa show ang mga personalidad na naging bahagi ng Miss and A.

“The good news is noong binanggit ako ni Meme Vice sa Showtime, nag-thank you ako sa kanya at nag-reply siya sa akin na deserve ko naman na ma-mention.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: