Philip Salvador at James Yap, sinukuan nang magkaroon ng komunikasyon sa mga anak nila kay Kris Aquino?

“Bakit daw hindi kumokontak sina Philip Salvador at James Yap sa kanilang mga anak na sina Josh at Bimby samantalang alam naman daw ang number niya.

“Sa tanong mo Kris kung kasalanan mo pa rin ba na hindi kinokontak si Josh at si Bimby ng kanilang mga tatay, hindi namin kayang sagutin ‘yun.”

Ito ang bahagi ng naging pahayag ng showbiz columnist na si Cristy Fermin sa kaniyang show na Showbiz Now Na kasama sina Morly Alinio at Romel Chika.

RELATED STORIES:

Matatandaang kamakailan ay ikinuwento ni Cristy na nakatanggap umano siya ng pagkahaba-habang text message mula kay Kris.

“Dapat ay ibalik namin sa iyo ang tanong kung bakit nga ba hindi kumokontak si Kuya Ipe at si James sa mga anak n’yo.  ‘Yun dapat, siya dapat ang sumagot.

“Bakit daw hindi kumokontak sina Philip Salvador at James Yap sa kanilang mga anak na sina Josh at Bimby samantalang alam naman daw ang number niya.

“Nagbigay po si Kris ng mga pangalan na pareho nilang kilala ni kuya Ipe at ni James pero sa kabila ng lahat ay wala man lang pangungumusta ang dalawang tatay ng kanyang mga anak.”

 

RELATED STORIES:

Si James Yap na ama ni Bimby ay ilang beses umanong sinubukang kontakin ang kaniyang anak.

”…Kasi kapag tumatawag daw si James doon sa yaya ni Bimby ay sinasabi pala sa kanya na, ‘ay hindi po kami puwede, hindi ninyo puwedeng kunin si Bimby may nauna na po kaming pupuntahan,’ parating ganu’n.”

Si Philip Salvador naman na aman ni Joshua ay tila sumuko na rin sa pagkontak sa anak.

“Kuwento ni Cristy, ’Yung kay kuya Ipe naman talagang hindi mamatamisin na kumontak sa kanya o kay Josh.”

“Naalala mo ‘yung nakaraan pang eleksyon, 2016 pa na kapag ipinakikilala siya ni Senator Bong Go, ‘ang kabiyak dapat ni Kris Aquino na hindi natuloy’ mga ganu’n-ganu’n, pinagbintangan pala si kuya Ipe na siya ang utak ng lahat ng ‘yun.

“(Ayon raw kay Kris), ‘Hindi mo man lang kami bigyan ng proteksyon ng anak mo samantalang ganito, ganyan, maraming isyu.

Simula raw noon ay hindi na nagkaroon ng komunikasyon sa kanilang mga anak sina Philip at James.

“Kung lagi kang napapahiya nanaisin mo pa bang tumawag ulit para mapahiya ka na naman, may pride naman ang bawat tao, di ba?”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: