Lolit Solis, pinuri ang chemistry nina Bea Alonzo at Alden Richards

Pinuri ng showbiz columnist na si Lolit Solis ang chemistry nina Bea Alonzo at Alden Richards sa upcoming series ng GMA-7 na Start Up.

Salungat ito sa una nang sinabi ng kolumnista na hindi bagay si Bea kay Alden dahil mukha na itong tiyahin ng aktor.

RELATED STORIES:

Sa kaniyang latest Instagram post ng kolumnista, nabanggit niya ang tungkol sa series nina Bea at Alden.

“Pag hindi ko IG ito lagot ako kay Marian ng GMA7 Salve, hah hah joke joke.

“Umpisa na ng taping ng Start Up nila Alden Richards at ang paborito ko na si Bea Alonzo.

“Marami ng naghihintay sa project na ito at naniniwala na magiging top rater ang Start Up.

“Maganda naman magiging chemistry nila Alden at Bea, kahit pa nga mas naniniwala ako na mas bagay sa mas bata ang Start Up.

“Kahit pa nga dahil sa naging paniniwala ko naging best friend kami ni Bea Alonzo hah hah hah.

“Sana nga maging maganda ang resulta, or else sayang naman ang tiwala at binigay ng GMA7 na magandang project para kay Bea.”

“Si Alden naman kahit sino makasama tiyak na magiging rater at maganda ang project.

“Good material si Alden Richards, kaya kahit sino babagay sa kanya.

“Love Alden Richards at mama Tenten talaga , promise😘”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: