Maine Mendoza at Arjo Atayde, engaged na; netizens, kinilig

Makalipas ang halos apat na taon bilang magkasintahan, engaged na sina Maine Mendoza at Quezon City First District Representative Arjo Atayde.

Ito ang kinumpirma mismo ni Maine sa isang Instagram post ngayong Biyernes, July 29.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)

“Wait, whaaaat??? We’re engaged?!”

Ayon sa post ni Maine, nag-propose sa kaniya si Arjo sa isang lugar na may illuminated white roses garden.

Halatang pinaghandaan nang husto ni Arjo ang nasabing proposal.

Bukod sa magarbong disenyo sa garden, may pa-fireworks display din sa espesyal na okasyon na ito.

Sa isang Instagram post naman ng actor-politician, nagbahagi siya ng larawan ng mapapangasawa.

“My turn, I will marry you cutie. ❤️ 07.28.22”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde)

Agad na bumuhos ng pagbati para sa dalawa.

Bumati ang ilan sa mga malalapit na kaibigan nila sa comment section ng kanilang posts.

Maging ang kanilang mga tagahanga ay nagpahayag ng katuwaan para sa dalawa.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng netizens (published as is).

”Congrats! My AlDub heart is happy for you two.”

”Grabe naman sa effort! Kakilig. Congrats po.”

”Pinaghandaan talaga. Napakaganda!”

”Congrats po sa mala-fairytale na proposal.”

”Grabe si Cong! Effort kung effort!”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: