Pasilip kay ‘Valentina’ sa bagong teaser ng ‘Darna’, usap-usapan ng netizens

Usap-usapan ngayon ng netizens ang bagong teaser ng ABS-CBN series na Mars Ravelo’s Darna.

Sa teaser na inilabas kagabi, July 22, isiniwalat na rin ang pagsisimula ng serye sa August 15 Bilang kapalit ng FPJ’s Ang Probinsyano.

RELATED STORIES:

Muling ipinasilip ang mga karakter nina Iza Calzado, Joshua Garcia, Zaijian Jaranilla, Janella Salvador, at Jane De Leon.

RELATED STORIES:

Isa sa mga tumatak sa netizens sa bagong teaser ay ang pasilip sa magiging itsura ni Janella bilang ang taong-ahas na si Valentina.

 

Narito ang ilang komento ng netizens tungkol dito (published as is).

”Grabe! Mas na-excite pa yata ako kay Valentina kaysa kay Darna!”

”Nakakakilabot ang itsura nya. Ang galing!”

”Deserve talaga ni Janella ang maging Valentina.”

”Perfect talaga si Janella as Valentina. Walang duda.”

”Baka naman lamunin pa ni Valentina sa aktingan si Darna. Haha”

”Swak na swak talaga kay Janella. In all fairness.”

”Ang galing! Sana ma-maintain nila yung quality hanggang sa dulo.”

”Patikim pa lang pero grabe na!”

”Next naman ang Darna costume reveal, please.”

Panoorin ang buong teaser dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: