Janella Salvador, napiling gumanap bilang Valentina sa Darna: The TV Series

Inianunsiyo na ng ABS-CBN kung sino ang aktres na gaganap bilang Valentina sa upcoming Darna: The TV Series.

Ito ay walang iba kundi ang homegrown Kapamilya talent na si Janella Salvador.

Una na ngang pinag-usapan at hinulaan ng madla kung sino ang aktres na gaganap sa nasabing kontrabida role.

Lumutang ang pangalan nina Janine Gutierrez, Ivana Alawi, Anne Curtis, Julia Barretto, at iba pa na hula ng netizens.

Maging ang Kapuso star na si Jackie Rice ay napabalitang gaganap na babaeng-ahas.

Kahapon nga ay tinuldukan na ng ABS-CBN ang panghuhula ng publiko at pinangalan na kung sino ang magiging kontrabida ni Darna.

Ito ang magsisilbing comeback project ni Janella matapos itong mamahinga sa showbiz ng ilang buwan dahil sa panganganak sa panganay nila ni Markus Paterson.

Magsisilbi rin itong reunion project nila ni Joshua Garcia na naging leading man niya sa teleseryeng The Killer Bride noong 2019.

Iba-iba naman ang naging reaksiyon ng netizens sa pagkakapili kay Janella.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

”Deserve ni Janella ang break na to. Magaling naman sya.”

”Naku, baka lamunin ni Valentina sa aktingan si Darna.”

”Mas sikat pa si Valentina kaysa kay Darna.”

”Sayang. Umasa pa naman ako kay Ivana. Haha”

”Deserve naman ng isang Kapamilya star ang role. Wag nang kumuha sa Kapuso.”

”Bakit mas maganda si Valentina? Hahaha”

”Congrats, Janella! Deserve mo yan.”

”Wow! Mas kikiligin yata ako kay Janella at Joshua. Haha”

”Mas bagay si Valentina at Joshua kaysa kay Darna.”

”Love triangle ba ito? Jane Joshua at Janella”

“Umasa akong si Ivana ang Valentina para mas seksi kay Darna.”

”Dapat mag-acting workshop muna si Jane. Lalamunin siya ni Janella sa akting.”

”Baka masapawan ni Janella si Jane.”

”Wag mo masyadong galingan, Janella. Kawawa naman si Darna. Hehe”

”Exciting ang Darna hindi dahil kay Jane. Dahil yan sa mga kasama nyang cast. Haha”

”Wow! Deserve naman ni Janella. Clap clap clap!”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: