Vice Ganda, pumalag sa pagpaparinig ni Bayani Agbayani?

Usap-usapan ngayon sa social media ang tila pagsagot ni Vice Ganda sa pagpaparinig ni Bayani Agabayani tungkol sa ABS-CBN noonitme show na It’s Showtime.

Sa episode ng It’s Showtime kahapon, July 22, ay nabanggit ni Vice ang tungkol sa isang taong hindi niya pinangalanan.

RELATED STORIES:

Nagbiro si Vice tungkol sa isang taong aniya’y nakikisali kahit na hindi naman kasali sa isyu.

“Kaya dapat hindi lahat nakikisali ha? May mga kilala tayo nakikisali eh.

“Ba’t ka nagpaparinig di ka naman kasali?

“Hanga tayo dito ,no? Nagpaparinig siya hindi naman siya kasali sa issue.”

Wala man siyang binanggit na pangalan, mabilis naman ang ilang netizens sa pagsasabi na si Bayani ang tinutukoy nito.

Sa July 21 episode kasi ng Tropang LOL ng TV5, may nabanggit si Bayani tungkol sa pag-oovertime.

”Talagang kahit kailan hindi tayo nag-oovertime.”

Kilala ang It’s Showtime sa madalas na pagsobra sa kanilang timeslot kaya maaaring ito nga ang pinatutungkulan ni Bayani.

Narito naman ang ilan sa mga naging reaksiyon ng netizens tungkol dito.

”Paano nga kayong mag-oovertime eh wala naman nanonood sa inyo? Haha”

”Hindi Showtime yan kung walang overtime. Hehe”

”Eh ano naman kung OT sila, apektado ka ba, Bayani?”

”Ayan, nakatikim ka tuloy. Hahaha”

”Epal naman yang si Bayani. Pa-relevant masyado, di naman funny.”

”Kaya OT ang Showtime kasi nakakatuwa sila. Eh ang LOL?

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: