‘Darna’ costume ni Jane De Leon, nag-leak sa social media

Kumakalat ngayon sa social media ang ilang larawan ng Kapamilya actress na si Jane De Leon habang suot ang kaniyang ‘Darna’ costume.

Si Jane ang magbibida sa ABS-CBN adaptation ng Mars Ravelo’s Darna na malapit nang mapanood sa mga Kapamilya platforms.

Noong nakaraang buwan ay inilabas na ng ABS-CBN ang teaser ng nasabing series.

Ngunit sa ipinakitang patikim ng pinakaabangang teleserye ay ang karakter pa lamang ni Jane bilang si Narda ang ipinakita.

Wala pang inilalabas na magiging itsura niya kapag nag-transform na siya bilang ang sikat na Pinay superhero na si Darna.

Kaya naman palaisipan pa rin sa lahat kung ano ang magiging bersiyon niya ng Darna costume.

Sa ilang larawang kumalat sa social media ngayong araw, nakuhan ng isang netizen ng litrato ang aktres habang suot ang kinasasabikang Darna costume.

Bagama’t may kalabuan ang mga larawan, masisilip pa rin ang itsura ng nasabing iconic costume.

Mabilis din itong kumalat sa social media at umani ng iba’t ibang reaksiyon ng netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

”Finally, may pasilip na sa costume ni Jane!”

”In fairness ha, litaw pa rin ang kaseksihan ni Jane sa costume.”

”Sana may mas malinaw na kuha.”

”Ang ganda! Mas lalo tuloy nakaka-excite.”

”Sana pati si Valentina, may pasilip na rin.”

”Ayan na, may pa-costume reveal na.”

”Salamat sa nag-leak, Haha”

Ikaw, anong masasabi mo sa nasabing costume?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: